i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Saturday, August 01, 2009

tax

help please... di ko gets kung paano nagbabayad ng tax. basta alam ko tuwing sineswelduhan ako, may mga binabawas sa akin. laging pareho ang binabawas sa akin sa pag-ibig, sss, philhealth, etc (meron pa ba?) pero yung sa tax parang paiba-iba kada sweldo. di ko pinapansin, basta may napupunta naman sakin so balewala na ang nababawas. haha! ang ignorante noh...

ngayon, nagresign nako (oo, nagresign nako. hindi yun ang issue) at may tax refund ako dahil less than a certain amount daw ang kinita ko. pero kapag magtrabaho ako ulit, may babayaran pakong tax ulit. so ano yun ibabalik ko lang sa kanila yung rinefund sakin? so paano nagbabayad ng tax? papaexplain ko sana dun sa accountant ng pinanggalingan kong company pero nagmamadali nakong umuwi kasi baka makita pako ng boss ko eh hindi ko nagawa yung pinaparesearch niya sa akin about the mercury content of fresh water fish in the philippines. apparently, mataas ang mercury levels ng fish sa pilipinas. eh hindi ako nakadaan sa lab so di ko nabasa yung procedure mula dun sa mahiwagang lab manual. so anyway, ano ba yang tax na yan? may reward ba pag early bird ang pagbabayad ng tax? san nagbabayad? may drop box ba sa aking suking tindahan?

5 comments:

  1. ang sure lang ako eh dapat fixed amount ang kinakaltas nila sayo kada payday kse ang income tax eh percentage ng income mo. di ko rin sure kung pano nagkakaroon ng tax refund, pero ang alam ko eh company ang nagaayos nun. kapag nagwork ka, ibibigay mo lang sa kanila yung TIN mo tapos sila na ang magbabayad ng tax mo sa BIR.marerealize mo na lang ulit na bawas na ang sweldo mo. at walang reward kapag nagbayad ka ng tax ng maaga. haha

    ReplyDelete
  2. feeling ko, iba-iba kasi ang number of working days ng mga sweldo namin so yun ang reason kung bakit paiba-iba yung kaltas. pero ewan ko talaga, di ko gets hahaha! tsaka ko na poproblemahin ang tax ko kapag may trabaho na ulit ako at kung mataas na ang sweldo ko hahaha.

    kapag minimum wage pala walang kailangang bayarang tax XD naweweirduhan ako sa mga taong nagrereklamong mataas ang binabayaran nilang tax. hmph. parang nagrereklamo pa silang mataas ang sweldo nila hahaha

    ReplyDelete
  3. AFAIK, di mo malalaman ang witholding tax mo unless makita sa ITR. It's also true na the higher the income range, the higher the % ng tax, socialized baga. Nasa likod ng ITR forms yun. Recently binago ang scheme na from 5% WT, 0 na pag minimum wage, kaya ang kumikita ng piso above the minimum wage, mas lugi. hehe

    It's possible nga na kung per day ang bayad nila sa inyo, magffluctuate ang kikitain mo, and therefore ang witholding tax every cutoff, add to that the fact na hindi every cutoff ang deductions ng SSS, etc.

    It's weird to hear these things from someone who hasn't actually paid his own taxes yet... Ang alam ko lang taga ang business tax namin T_T

    ReplyDelete
  4. actually ganun talaga, mas mataas ang sweldo mas mataas ang tax.kaya sila nagrereklamo kse hindi na nila maramdaman ang taas ng sweldo nila kse nga napupunta lang s atax.trust me, kapag tumaas ang sweldo mo, magrereklamo ka rin sa tax mo.

    ReplyDelete
  5. carmelle, bakit naman ako magrereklamo eh tumaas nga ang sweldo ko. responsibility ko bilang member ng society na magbayad ng tax. kaya nga di ko inaalala kung magkano ang basic salary ko. lagi kong iniisip yung nabawasan na ng lahat lahat haha! sweldo ay sweldo. bakit ako magrereklamo.
    nagrereklamo ako kasi hindi ko nararamdaman ang tax na binabayaran ko. imagine, sementado na yung kalye sa tapat namin pero yung kanto na siguro ay 2 meters lang ang haba, 2 lanes ang lapad eh hindi pa rin nasesementuhan. politics sucks

    ei benjie. it's not weird. magugulat ako kapag mas madami ka pang alam kesa kay tatay. he knows everything. even showbiz. hindi kasi fan si lolo ng taxes kasi ang complicated. farmers kasi di nagbabayad ng tax hahaha. kaya nga mataas-taas ang stipend ko nung HS. wala na si lolo at wala na rin ang aming farm. yung pool na lang ang nagbabayad ng tax. dapat siguro samahan ko yung pool pag nagbabayad siya ng tax noh? :p

    ReplyDelete