i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Friday, August 07, 2009

chicken with white sauce

Description:
kunwaring carbonara lang naman hahaha

Ingredients:
olive oil
chicken breast
crushed garlic
bell pepper
can of mushrooms
2 packs nestle all purpose cream
half a block of cheddar cheese
half a pack of penne pasta

Directions:
lutuin ang manok, itabi

sindihan ang kalan. lagyan ng langis ang lutuan. kapag mukhang lampas na siya sa boiling point ng water, ie. 102`C, idagdag na ang dinurog na bawang. pasayawin ang bawang. idagdag na yung ibang ingredients.

ihanda ang pasta.

kapag mukhang malabnaw ang sauce, dagdagan ng cheese. lalapot siya.

next time, kalahating bell pepper lang.
next time, ilaga muna ang manok. mas madali atang i-shred ang manok kapag matino ang pagkakaluto.
next time, haluin na ang pasta at sauce bago ihain para magkaroon ng lasa yung pasta.
next time, "make the water wait for you, and not you for the water." unahin na ang pagluto ng pasta kasi matagal rin ang 14mins na pagluto ng penne. mas makapal pala yun kesa sa angel hair.
next time bibili nako ng angel hair.
next time pipikchuran ko para may ma-upload ako dito haha

matututo rin ako magluto XD

4 comments:

  1. ang ginagawa ko sa sauce ung roux (toasted flour/cornstarch and butter) tsaka lalagyan ng milk or cream. separate ko sinaute ang solid component ng sauce (garlic, mushroom, etc). ayun, good luck!

    ReplyDelete
  2. di ko pa natatry yang roux pero madami akong nabasang ganyan ang style. someday susubukan ko ulit pero hindi pa ako pinapayagan magluto ng pasta ulit. kasi hindi pwede kay tatay ang canned stuff (mushrooms), ayaw ng sister ko sa cheese, at ayaw ni nanay ng bell pepper, at hindi pwede sakin at kay tatay ng pork at beef. haha hirap noh? XD

    ReplyDelete
  3. ay, ayoko gumawa ng pesto. the last time my sister made pesto, the next day tinapatan ni lola! pagandahan sila ng pesto -_-' ay sus ayokong makipagsabayan sa mga expert sa kitchen... hmph...
    pero someday gagawa rin ako ng pesto hahaha! di ko na lang ipapakita at ipapatikim kay lola baka gumawa siya ng mas masarap na version... XD

    ReplyDelete