i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Sunday, August 09, 2009

pulitika!

anuba, ang kapal talaga ng mukha ni manny villar. akala ko pa naman ang sinalihan kong fun run ay para sa benepisyo ng mga organisasyon sa up, yun pala ito ay pasimpleng kampanya ni manny villar. hmph... sayang lang effort ko gumising ng maaga. ginamit lang pala ako ni villar para masabing madaming sumusuporta sa kaniya. eh hello?!?!?! hindi ko alam na para sa kaniya pala yang fun run na yan noh. i was deceived!!! ibalik niyo pera ko!!! >_<

walang kwentang hataw pilipinas yan na para raw sa good governance... sige... sabi mo...

hindi pa po panahon sa pangangampanya. technically, hindi naman illegal ang ginagawa ninyo pero sana naman mahiya ka noh... hay... sumasakit ang ulo ko... ang pangit pa ng singlet na pinapamigay mo. free size kasi. nakita mo na ba kung gaano ako kapayat? ay, gusto mo akong magmukhang saranggola? wow, ikaw ay nagtagumpay. congrats naman... hmph...

9 comments:

  1. run for good governanace. inequate kay manny villar.

    ReplyDelete
  2. hay..grabeng kakapalan na talaga yan!! eh si jamby nga namimigay pa ng yellow bracelet (mka-Cory bull crap) w/ a pendant na may larawan ng makapal nyang mukha. asa naman xang mananalo xa sa eleksyon noh!! bwahahaha!! anyway, back to villar..oo, marami xang accomplishments & all sorts of shit, pero w/ what he's doing..he'll NEVER win..itaga mo sa bato

    ReplyDelete
  3. nabalitaan ko rin yang kay jamby. hahaha! tawa na lang ako... grabe, taking advantage talaga... paano na kaya ang kinabukasan ng aking mga anak... hay...

    posible pa rin siyang manalo. sa dami ng kaniyang mga ginagawa, sikat na sikat na siya. bad publicity is still publicity. madami pa ring mga taong madaling maloko, madaling mabili ang boto (ang dami naming freebees kanina hahaha! sarap ng chocolate) at may mga tao din na magaling gumawa ng paraan para mandaya... ayus... XD

    ReplyDelete
  4. asar talaga. Pati ako nasabait.
    buti na lang putikan agad yung singlet n'ya. ginamit ko sa tournament after.
    hehe!

    ReplyDelete
  5. hay pulitika talaga... dumadami na rin ang mga tv ads ng iba't ibang political figures. hay... sino kaya boboto ko...

    wow naputikan yung singlet mo! haha! ayus! XD yung akin natuluan lang ng ice cream haha

    ReplyDelete
  6. oo naman ayoko madumihan 'yung ibang damit ko kaya yung singlet na lang.
    hehe!

    ReplyDelete
  7. wala nang politikong deserving sa boto ng madla. ultimong mga cabinet officials gumagamit ng public funds para i kampanya ang kanilang sarili ng wala sa tamang panahon sa paraang nakamaskara sa "pagpapalaganap" ng impormasyong umano'y may kinalaman sa kanilang sangay.

    nga pala. yung "banana" magpupull out na sa mga radio stations at record stores. nireklamo kasi ng bishop ng paranaque. buti naman. that's one less trash music. ^^

    ReplyDelete
  8. hahaha! siguro nabasa nung bishop ang blog ko XD haha joke...
    nakakainis talaga yung kantang bananang yun... hmph...

    ReplyDelete