i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^
Showing posts with label takbo. Show all posts
Showing posts with label takbo. Show all posts

Sunday, August 09, 2009

pulitika!

anuba, ang kapal talaga ng mukha ni manny villar. akala ko pa naman ang sinalihan kong fun run ay para sa benepisyo ng mga organisasyon sa up, yun pala ito ay pasimpleng kampanya ni manny villar. hmph... sayang lang effort ko gumising ng maaga. ginamit lang pala ako ni villar para masabing madaming sumusuporta sa kaniya. eh hello?!?!?! hindi ko alam na para sa kaniya pala yang fun run na yan noh. i was deceived!!! ibalik niyo pera ko!!! >_<

walang kwentang hataw pilipinas yan na para raw sa good governance... sige... sabi mo...

hindi pa po panahon sa pangangampanya. technically, hindi naman illegal ang ginagawa ninyo pero sana naman mahiya ka noh... hay... sumasakit ang ulo ko... ang pangit pa ng singlet na pinapamigay mo. free size kasi. nakita mo na ba kung gaano ako kapayat? ay, gusto mo akong magmukhang saranggola? wow, ikaw ay nagtagumpay. congrats naman... hmph...

Thursday, July 23, 2009

takbo, laya, takbo!

may results na yung race nung sunday! ^_^
second time ko na tumakbo ng 10k sa high street at mukhang mas mabagal ako this time compared to my first 10k run... aww... oh well...

NAME: Ma Laya Canals
EVENT: 10 Km Run For Home
DATE: Sunday, July 19, 2009
BIB/DIV:   3266 / F 20-29
TIME: 1h:20m:52s (gun) / 1h:19m:24s (net)

whee!

ito yung entry ko tungkol sa una kong race... [here] 1h:18m ang time ko... hmph... see?!?! mas mabagal ako ngayon. at 3 days na akong may cramps. next time baka mag 5k lang muna ako para di matagal ang recovery.