i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^
Showing posts with label scienceproject. Show all posts
Showing posts with label scienceproject. Show all posts

Wednesday, March 31, 2010

How to make your own yogurt

http://hubpages.com/hub/How_to_make_your_own_yogurt_-_An_illustrated_guide
oh! someday i'd make my own yogurt... yes... i don't know what i'd do with them, basta gusto kong gumawa ng yogurt.

the first time i tried to eat yogurt was when we made yogurt for microbiology class in highschool. how i miss our teacher... ms. alsa gulaman ;)

we also made fertilizer using fungi and horse poop, which, btw, caused the whole building to smell like poop. thank you, microbes, for making lives better ^_^

Thursday, October 15, 2009

nerd mode

gusto ko gumawa ng study tungkol sa density distribution ng tao sa mrt. siyempre excempted ang first car bilang pambabae lang yun diba. gusto ko lang patunayan sa ibang tao diyan (yung mga nerd friends ko) na yung 2nd door pa rin ang best choice. kahit pa pakita ninyo na pinakamaganda ang flow kapag sa 3rd door ka papasok, mas malaki pa rin ang chance na makakaupo ka kung dun ka sa 2nd door papasok.

basta... eventually makakaipon din ako ng data at makakasulat rin ako ng scientific paper tungkol sa mrt. ang problema ko nga lang, kapag mapatunayan ko na ang aking mga pinaniniwalaan, baka maapektuhan ang decisions ng mga tao, at papasok na rin sila dun sa favorite doors ko. dadami na ang aking mga karibal. marereverse ang data. hay nako, panibagong data gathering nanaman ito! ayaw ko na nga! XD

everything could be backed out by data. i believe that everything has a cause, we're just not sure what these causes are. maaaring madaming tao lagi dito sa particular car ng mrt dahil ito ang katapat ng daanan ng tao. malalaman natin kapag matapos nako sa aking study.

ay!!! oh noooooo.... yung mga dahon na binabad ko sa clorox!!! nalunod ni Ondoy!!! XD waaa... ngayon ko lang naalala... hay... kamusta na kaya sila... saan kaya napadpad ang aking mga namuting mga dahon... hmm...

~

kanina, may nagtanong sa isang guy, "diba NGSB ka? bakit? ano ang reason behind?" "kasi yung mga nagugustuhan ko, gustong maging friends lang kami. ganun kasi ang trend." hindi yan ang eksaktong sinabi pero ganun na rin ang sense. nakakatawa lang. may trend na nagaganap. ang ating buong buhay ay isang science experiment. nasa iyo na lang kung paano mo iinterpret ang data. nasa iyo na lang rin kung paano mo gagamitin ang iyong discoveries.

minsan feeling ko ang tanga ko. kasi paulit-ulit na lang nangyayari sa akin, hindi pa rin ako natututo. haha

happy birthday jed

Monday, August 03, 2009

chlorine

i use my blog as my online journal. at dahil wala akong lab notebook ngayon, dito ko na lang isusulat. today is august 3, 2009. ito ang unang araw ng pagbabad ko ng mga dahon sa chlorine.

in grade4 science club, we had this project about butterfly tree leaves. we'd dip them in clorox, brush them until they're completely disinfected and totally bleached.

dahil kay jolina the bagyo, napagod na ang mga mahogany namin sa pagbuhat ng kanilang mga dahon. so pinutol namin. tinago ko ang mga dahon para i-bleach at gawing bookmark kahit di ako nagbabasa ng libro.

binabad ko yung mga dahon sa clorox at kahit papaano nalublob ko rin ang mga kamay ko. ang baho tuloy ng kamay ko :( ang lungkot lungkot! waaa... ka-amoy niya yung puno sa elbi na may bulaklak na mabaho ang amoy. dun yun sa may palma bridge. known to students as sperm tree. yah... amoy sperm tree ang kamay ko. how sad...

so ayun, every other day, or tuwing feel ko, papalitan ko yung clorox solution ng mga dahon ko. in a month namumutla na sila. ayoko na gamitan ng toothbrush kasi ayoko na mag-amoy sperm tree ang kamay ko XD