i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, August 15, 2007

toink

siguro kailangan kong magalit ng mas madalas para hindi gaanong malaki ang impact sa akin everytime na magagalit ako...

it's always the same... nanginginig ako... hindi ako makapagsalita... napupuno nalang ako ng emotion na hindi na logical ang pag-iisip ko... alam ko lang galit ako. hindi ko na alam kung bakit. basta galit ako. at matagal bago ako makarecover... usually kailangan ko pang matulog para lang malimutan ko na ang nangyari.

naisip ko lang, ang simple lang ng nangyari kanina, bakit ganun na lang ang reaction ko sa kaniya. serioso, hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. mahapdi na talaga ang mata ko kasi ngayon lang ako ulit umiyak ng ganito. may nagsabi sa akin kanina na sintomas daw ito ng taong walang closure. oo nga, walang closure kasi hindi naman niya alam na galit ako. hindi niya alam na nanginginig na ako. hindi niya alam na ang taas na ng blood pressure ko. shit... hindi talaga ako sanay na nagagalit... bakit ako galit? hindi ko alam!! hay grabe... basta galit ako...

ang hirap kasi hindi ako makapagsalita kapag galit nako... wala na... sarado na isip ko...

of all emotions, anger is really hard to control. hindi ko alam kailan magsisimula, hindi ko masabi kung kailan matatapos...

ayokong nagagalit... nauubusan ako ng sasabihin... nawawalan rin ako ng gana... hindi productive... i should learn how to handle my emotions... --_--'

*sigh*

No comments:

Post a Comment