i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Thursday, August 09, 2007

cravings

gusto ko ng braso de mercedes... wala lang... hahaha!

naisip ko lang kasi na parang gusto ko kumain nun ngayon... kasi matagal nakong di nakakakain nun. i can't remember how it tastes pero habang iniimagine ko ngayon yung feeling, parang masarap naman yata. o baka mali ang iniisip ko. kasi alam kong may reason kung bakit tumigil akong kumain nun, yun nga lang nakalimutan ko na ang rason. baka ayoko lang talaga alalahanin. now that i've forgotten the reasons why i stopped eating braso de mercedes, i'm craving for it again. hay... siguro dahil medyo madalas ko nanaman nakikita yung braso de mercedes na nakadisplay pero hindi ko binibili kasi may apple pie naman. hindi ko kinakain yung crust ng apple pie pero yun pa rin ang binibili ko. natatakot lang akong bumalik sa braso de mercedes na dati'y gustong gusto ko, at ngayon, halos hindi ko na maalala ang lasa...

hay... pagbalik ko sa cs canteen, sigurado ako, hahanap hanapin ko ang blueberry cheese cake pero sigurado akong hindi available. makikita ko ang chocolate cake, pero hindi ako kumakain ng chocolate cake kaya totally ignore un. makikita ko ang braso de mercedes, mapapaisip ako pero sigurado ako, apple pie pa rin ang bibilin ko. ang weird... hindi ako nagcacrave ng apple pie pero yun at yun pa rin ang kinakain ko.

pordat, gusto kong matutong magbake ^_^

4 comments:

  1. ako, gusto ko naman ng cake. to be more specific, yung devil's cake sa chocolatekiss. yum.

    ReplyDelete
  2. syet una kong basa walang braso de kaya taka naman ako kung bakit ka kakain ng kotse. Mantakin mo! hehehe

    ReplyDelete
  3. jet naman... toink... gusto ko ng new york cheese cake ng seattle's best.. o kaya ang blueberry cheescake ng annabel lee's.. pwede rin ung mango bravo ng conti's...

    ay shet wait lang kukuha ako ng mop naglaway na ako.. hahaha

    ReplyDelete
  4. masarap kasi yung apple pie na ginagawa ni lola... kaya lang lately hindi na masarap kasi sugarfree --_--' splenda na gamit nya... hay...

    so the next best thing ang apple pie sa cs canteen...

    masarap nga raw ang devil's food cake. para sa akin masarap lang tingnan kasi di naman ako kumakain ng chocolate cake... pero nakakarelate ako sa cake na un... kasi parang ako lang... mukhang mabait pero ilalim ng malinis na balat, may maitim na kaloobang tinatago... wahahahaha!!!

    ReplyDelete