i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Thursday, August 23, 2007

ipis

since it's past midnight. and at these times para lang akong lasing at halos walang inhibition sa mga sinasabi, para lang akong noon time show. parental guidance is advised.

****drum roll...****

naaalala ko pa ang mga panahong dinapuan rin ako ng flying ipis habang nagcacram ng paper. high school pa nun. wala pang broadband. titili ako at walang makakarinig. ang lungkot.

salamat sa broadband at hindi ko na kailangang tumili. kailangan lamang itype ang mga salitang "dinapuan ako ng ipis" at solb na ang aking pangangailangan na ilabas ang aking saloobin. o baka dahil bangag lang ako kaya hindi talaga ako makatili...

i hate flying ipis... sila ay mga malilibog na mga bagay na lumilipad. bakit kailangan pang ipaalam nila sa akin na malibog sila? dapat nanatili na lang sila sa sahig at manahimik. o maghanap sila ng ibang bahay kung saan may taong matutuwang makitang naglalandi sila.

hay... mga ipis na malibog. this is probably in my top 20 worst mental images --_--' (next to fuckin siomai)

~

note to self... kapag ako'y maglandi, hindi ako lilipad sa buong baranggay at magsisisigaw na "nag-iinit ako! nag-iinit ako!" kasi baka isipin nila, ipis ako.

bow

10 comments:

  1. talaga? may correlation ang flight at ipis libido?!?!?! wahahahaha

    ReplyDelete
  2. yah... remember that commercial with the song "afternoon delight"? wala lang.. ayun malalanding mga ipis... hahaha...

    tag-ulan na kasi kaya nagliliparan na ang malalanding mga insekto. tulad din ang mga gamugamo, na malalanding mga anay na handa nang maghanap ng kasiping kaya't biglang nagiging anghel at nagkakapakpak.

    malalanding insekto... they're everywhere ^_^

    ReplyDelete
  3. for someone who hates them, u sure know a lot! wahahaha...entomologist eto?

    ReplyDelete
  4. hindi naman... malibog lang kasi ako... u kno... takes one to know one... wahahahaha!!!

    kasalanan ng animal planet ^_^

    ReplyDelete
  5. nakakadiri kapag kinagat ka nila sa mata. buti naman at hindi ko pa ito nararanasan

    ReplyDelete
  6. shet sila as if naman makikipagsex ka sa kanila at kelangan pang ipangalandakan sayo na nalilibugan sila.

    screw those ugly things.

    ReplyDelete
  7. hahaha alam mo ba minsan sa sobrang lagi akong nagiisa at nagbabasa ng libro sa apartment, natutuwa akong makita silang naglalakad hahahaha

    minsan nga gusto ko silang interview-hin eh... para maiba naman[artista lang ba ang naiinterview??] may mga tanong na nga ako eh, nagiisip lang ng paraan kung pano ko sila matatanong... pero sana maging cute na sila pag nakahanap na ko ng paraan hehe

    ReplyDelete
  8. zayra, madapuan nga lang diring diri nako, pano pa kaya kung makagat?!?! hahaha... mabuti't di pa natin nararanasan at sana'y di natin maranasan hahaha

    pauee, i totally agree! mga exhibitionists sila :p ampapangit talaga ng mga un... mas maganda ang itsura ng ating mundo kung hindi na sila ever magpakita sa atin... waaaa

    verna, goodluck sa iyong quest. sana magawa mo ang iyong balak. maganda nga naman kung alam din natin ang kanilang mga saloobin hinggil sa pagkakaroon ng tao sa kanilang teritoryo. mahirap nang one sided tayo. lait tayo ng lait di naman natin alam kung ano ang side nila... wahahaha! kapag naging successful ka ha kwento mo samin :p salamat

    ReplyDelete
  9. laya...yun. yan lang macocomment ko sayo. ang ganda mo talaga.
    "nagiinit ako. nagiinit ako."??? @_@ baliw.

    ReplyDelete
  10. hay car, alam ko namang maganda ako e... hahaha!

    hindi ako baliw... at hindi rin ako ipis... conservative ako e ^_^ diba???

    ReplyDelete