sabi ko nga kay ate klara, "past is past" ....iwan na natin ang nakaraan at magsimula ng bagong buhay dala ang bagong pag-asa. haha! parang catch phrase lang ng isang kumakandidato bilang konsehal... ^_^
narealize ko ulit (kasi sigurado akong madaming beses ko nang narealize ito) na past may be past pero hindi ganoon kadaling makalimot. kadalasan, maririnig mo pa rin na kumakanta ang boses ko kapag nagkukuwento ako tungkol sa nakaraang pag-ibig, minsan mararamdaman mo pa rin ang tinig ng galit sa aking boses kapag mga kinaiinisan ko ang kinukuwento ko... it just shows that not everything in the past remains in the past. there's a part of ourselves still holding on to the feelings we once felt... parang old school love story lang noh... tipong kailangan may panyo ka kasi siguradong mamamatay sa ending yung leading lady. nagsasabi lang na ang pinakaideal na situation sa sinehan ay ang bigong pag-ibig... yeah... yeah...
joke lang...nakalimutan ko na kasi ang isusulat ko so kung anu-ano nang pinipindot ng daliri ko. bihira lang kasing ayos ang keyboard ko. at ngayon dahil ayos, sayang naman kung di ako magboblog. tinanong nga ni nanay kung paano pa ako nakakapagblog kung sira na ang keyboard ko... naku, feeling ko hindi na siya naniniwalang sira nga ito... pramis! sira pa rin siya. hay... ngayon nga lang ulit naayos... at super bihira na yun nangyayari...
grabe ang nakaraan ay nakaraan... yun lang... walang sense... kasi hindi ko rin alam kung first love never dies kasi kung past is past, first love is injured and deds na by now. pero kung hindi naman pala true love yun at yung second love pala ang true love, if the flame is still strong, hindi rin past is past. pano yun? tsaka yung mga enemies, forgive and forget... bakit friends pa rin pero not as close?
ang sinasabi ko lang naman, ayos ang keyboard ko ngayon kaya tinotodo ko lang ang pag type ^_^
ah! naaalala ko na gusto kong sabihin kanina... mahal ko pa rin si lea salonga kahit nagevolve na ang aking taste in music... i still can't help but sing along whenever her songs are played... so ano un? first love never dies?
napapaisip lang siguro ako dahil wala akong mapagkaabalahan ngayon... napipilitang bumalik sa lumang tugtugin kasi yun ang naririnig... gusto ko ng bagong kanta... para maiba... haha...
ang galing... ayos pa rin keyboard ko... hahahaha! whee! wala nakong ibang masabi... hmmm... world peace? let's save the world from cavities! down with global warming! paputukin ang mga bulkan! yeah! go captain planet!
earth!
fire!!
wind... water... heart!
with your powers combined... I am Capitan Planeta!!!
hay... antok nako... past midnight na kasi kaya nababaliw lang ^_^
i'm thinking if i should publish this entry since it makes no sense...
siguro may sense siya talaga kaya ko pa rin siya ipupublish...
gusto ko lang maging mahaba para hindi na mapansin yung sense...
pero baka wala naman talagang sense, gusto ko lang isipin ninyong may sense ito...
actually, ayos kasi ang keyboard ko kaya gusto kong magtype! whee!!!
ito na siguro ang pinakamahabang blog entry ko ever... hay...
congratulations... hindi pa rin ba ako makapagmove on? tapos na... tapos na nga ang kulit! past is past... wala nang sense... walang sense... wala... walang kwentang entry! gah! (wow mood swing ^_^ haha.. schizo lang kunwari)
sencia... i really should learn how to cut and end things where they should end.... kasi wala na rin naman akong sinasabi... --_--'
let go... save and publish... yes... tapos na ang entry na ito... tapos na... bitawan na at wag nang babalikan... sencia kung inistorbo kita... i have this tendency to be selfish and listen only to myself... kaya ayan, you're free... you're no longer obliged... you were never obliged... there never were strings anyway... not because my keyboard is fixed (which is just temporary) i should keep on typing... gawd... sorry... wala nang sense... wala...
No comments:
Post a Comment