i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Tuesday, August 07, 2007

distilled

sino ba nag-imbento ng distilling apparatus? natutunan tuloy natin gumawa ng distilled water, distilled methanol, distilled ethyl acetate at iba pang reagent na pwedeng gawing puro sa pamamagitan ng pagdistil..... buti na lang ang reagent pwedeng idaan sa ganito. ang tao rin kaya pwedeng idistil? yung tipong sa ganitong temperature magboboil siya kaya hindi kasama sa kailangan kong product. kapag hindi ko gusto ang properties niya kasama siya sa organic waste. dispose na. hindi ko na makikita ever...

wala lang naisip ko lang...

pero minsan ok rin may impurities kasi nagpapaganda ng buhay ang mga yun. minsan bigla na lang sasabog yung product dahil sa impurities. ayun! mas exciting ang buhay dahil sa impurities. so forgivable na rin sila...pero kahit pa.... gusto ko ng HPLC grade (as in ultrapure grade) ang reagents ko at hindi basta technical grade lang...

hay, kung ganun lang sana kasimple magisolate ng mga mabubutin tao sa masasamang tao.. ng mga taong gusto mo at mga taong ayaw mo... minsan kailangan mo rin matutong makisama sa lahat ng klase ng reagents...

No comments:

Post a Comment