wala nakong pera. serioso. nasa harap nako ng counter ng mcdo at ready na umorder ng chicken nuggets meal na mga 100 lang naman. pagtingin ko sa pitaka ko, mga bente na lang ang laman. nagulat ako. ano ba ginagawa ko sa nakaraang mga araw at nauubos ang laman ng wallet ko? nagcocommute ako. grabe, posible palang maubos ang pera dahil sa pagcommute at pagkain.
hay.. tinatamad nakong maghanap ng trabahong hindi ko gusto. medyo obvious naman kung anong gusto ko maging paglaki ko (kahit malaki na ako). at para makamit ko yun kailangan ko ng pera. seriosong datung. at naiinis ako na ngayon ko lang natututunan ang importansya ng pagkakaroon ng pera. lagi ko kasing iniisip noon na makamundong bagay lang yan. wala naman akong ginagastos na hindi ko kailangan kaya najujustify ko ang pag-gastos. pero nasa mundo tayo at kailangan ng makamundong bagay upang mapanatili ang ating pagiging tao. ayokong maging abo. wag pa. wag muna. di pa ako marunong mag-drawing ng tao na may damit. bigyan mo muna ako ng tatlong taon para makapag-aral ulit. gusto kong lumago bilang tao. pero kailangan ng pera. bakit ba kailangan pa ng pera?
sino ba nag-imbento ng capitalismo? ha? lahat naman tayo may kani-kaniyang kagalingan. kung lahat lang sana tayo pantay pantay, walang magnanakaw. oo na, kakaiba na ako. baliw kasi ako. inaantok lang ako. at nalulungkot pa rin dahil hindi perpekto ang mundo. ahuhuhu... pag ako nabigyan ng pagkakataong lumipat ng planeta, gusto ko ako ang magiging presidente para walang kurakot dahil walang kukurakutin. walang pera sa aking bagong planeta. lahat ng resources ay paghahati-hatian ng lahat ng pantay pantay. lahat ng tao may kani-kaniyang gawain, depende sa kaniyang kagalingan. kapag may pagkain, lahat makakakain. kapag may kakulangan sa tubig, lahat hindi maliligo. ito ay magiging perpektong mundo. lahat ng tao mayaman, dahil walang taong mahirap. baka nga hindi maiimbento ang salitang pangit dahil lahat ng tao ay gwapo't maganda. dahil dito, da best ang tourism sa amin. go go go tourism.
wala lang... nalulungkot kasi ako... magiging kapitalista ako balang araw >_< waa... hay... gusto ko lang naman magbenta ng damit. wala namang masama dun diba? ang umaaway lang naman sakin ay ang sarili ko. parang tanga lang. inaaway ang sarili. haha. hay kapitalismo. salot... kailangan ko kasi ng pera. isa akong hipokrito. hay...
wawa ate laya.......I'll give you a job....send me CD (ask nanay) i"ll pay you.
ReplyDeletehahaha hindi pa ba nasesend ni lee ann? sabi niya naemail na niya hehehe... nakahanap nako ng job! tutor :D tas in the morning i'll try to enroll to a language class. gusto ko matutong mag french para sosyal
ReplyDeleteate laya.....help......di ko pa natanggap. i am still waiting. pls follow up. or better yet, ikaw nalang ang mag send. please!!!!!!
ReplyDeletemy offer is still good.
ReplyDelete