i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Monday, September 28, 2009

wake up

LSS ako ng "i've got a feeling... that tonight's gonna be a good night... that tonight's gonna be a good night..."

nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa pilipinas dahil sa bagyo. nakakagulat na nangyari ito sa metro manila. hindi talaga ako natutuwa kapag sinasabi ng mga tao na nangyayari ito dahil madaming makasalanan at kailangang linisin ang mundo. gunun kasi ang nangyari nung panahon ni noah diba. hay... ang lungkot.

madaming nasalanta na hindi naman sinners. madaming mga corrupt na kumportable sa kanilang mga tahanan. kung nangyayari ito bilang kaparusahan sa mga kasalanan ng pilipinas, bakit dinadamay lahat?

ayokong maniwalang judgement ang nangyari ngayon. it's a wake up call. disaster happens. it just so happened that it occured in metro manila. properties were destroyed. celebrities got affected. houses and cars of well off families were damaged. it's definitely news worthy since the population density of metro manila is probably the highest in luzon. disaster can happen anywere at to anyone. we should wake up. wake up!

nalulungkot ako kasi hindi ako makatulong kasi may sarili akong problema kagabi. nalulungkot ako kasi hindi ako nakauwi para tumulong sa bahay. nalulungkot ako kasi wala ako sa birthday ng kapatid ko. nalulungkot ako kasi madaming tao ang namomroblema rin.

ayoko nang maulit to... sana hindi na maulit. sana hindi na bumaha ulit ng ganito kalala. sana lahat ng tao magtulong tulong. sana bukas ok na... back to normal na.

sobrang grateful akong kahit masama ang situation, safe pa rin ang mga mahal ko sa buhay. material na bagay lang yan. madaling palitan. although hindi madaling makagawa ng pera, ang buhay hindi na mapapalitan. kaya natutuwa akong lahat ng nababalitaan kong mga kaibigan, kahit malulungkot ang mga kuwento, ligtas pa rin.

hindi ko alam kung ano ang lesson for the day. basta ang word of the day last saturday ay "delubyo" haha napaka appropriate ^_^

the rain has stopped but there are still people who can't reach their homes due to the flood, and some who are stranded inside their homes due to the flood. oh how powerful the floods are. i pray that things would go back to normal. i pray that the flood would disappear. i pray that people get rescued. i pray that a disaster like this won't happen again.

Thursday, September 24, 2009

kapital

today, we were taught about karl marx and the history of north and south korea. reminds me of my college days ^_^

how i miss debating about the pros and cons of communism and capitalism.

communism would only be effective if everyone in the community is a christian. si sir vlad ata nagsabi nun samin nung econ sa 4th year highschool. nasa book of james ata yun... o john? basta J hahaha! ilan lang ba ang books sa bible na J? sige na nga hahanapin ko kung maalala ko XD

Sunday, September 20, 2009

hmm

kung ginagawa ng isang tao ang isang bagay dahil required siya, paano mo malalaman kung napipilitan lang siya o bukal talaga sa loob ang ginagawa niya? wala lang... insecure lang :p

alam ko namang hindi lahat ng tao kasing vocal ko. ako kasi kung ayaw ko, either inaannounce ko or pinapa-obvious kong ayaw ko. kaya as much as possible, ginagawa ko lang yung mga bagay na gusto ko. makes sense? haha. i'm such a happy person.

ayokong napipilitan. so ayokong napipilitan ang mga tao sa paligid ko. wala lang. naisip ko lang hehehe

Saturday, September 19, 2009

flow

haynakuuuuu... bakit pa kasi ako nag-fezbuk. sabi ko nga kasi isa lang siyang napakasosyal na kuleksyon ng mga laro. ang fezbuk ay mapanukso. imbez na mag-aral ako, naglalaro lang ako ng mapya warz at friends for sale. hay... mali! mali talaga...

kung may fezbuk ka, sure add mo ako. haha matutuwa ako.

kung wala kang fezbuk, ay wag na. mabubuhay ka na hindi nagfefezbuk.

peer pressure talaga eh >_<

hindi naman masyadong peer pressure. particular people lang talaga na ayaw mag-online sa ym kaya kailangan i-chat pa sa fezbuk na hindi naman kagandahan ang chat application. hmph. oo na, iyo nang lahat. kulang na lang ng fezbuk ay blog.

i don't regret opening an account at facebook. it's actually fun. juvenile. high school-ish. it's soooo me. i'm so happy kasi. it's fun to be reconnected to friends that i haven't talked to for a while. it's an easy way to get chizmax. it's a way to kill boredom. wag lang masobrahan. ok? wag sosobra. kaya for now on, no more mafia wars and no more FFS. ok? buti na lang yun lang ang luho ko. ayoko naaaaa.... kailangan ng disiplina. di pako marunong mag-drawing. drawing muna, tsaka na mafia wars ~_^

~

nagulat ang mga taong nagfriendster ako. napilitan. it's an effective way to communicate. chismis. di ko masyadong sense yung sense ng friendster pero ayus talaga siyang pang-promote ng stuff. thank you bulletin board. natuwa rin ako sa multiply. una, may blog siya. pangalawa, pwede mag cross post! yey! at matino rin ang pang upload niya ng pictures. prob ko naman sa multiply, umaalis na ang mga tao at nagmimigrate na sa fezbuk. kaya ngayon, ako'y nasa fezbuk na rin. pero hinding hindi ko iiwan ang multiply. kasi masaya magblog. alam niyo naman na walang gustong kumausap sa akin kaya kakausapin ko na lang sarili ko. haha

ang pop ko talaga XD oh hindeeee.... non-conformist ako... oo! non-conformist ako... please maniwala kayo. nagkataon lang na ginagawa ko ang mga ginagawa ng nakararami... hay... sinong binobola ko... i'm just like everyone. there's no such thing as unique :p

meh ganun? haha

Tuesday, September 15, 2009

cash

wala nakong pera. serioso. nasa harap nako ng counter ng mcdo at ready na umorder ng chicken nuggets meal na mga 100 lang naman. pagtingin ko sa pitaka ko, mga bente na lang ang laman. nagulat ako. ano ba ginagawa ko sa nakaraang mga araw at nauubos ang laman ng wallet ko? nagcocommute ako. grabe, posible palang maubos ang pera dahil sa pagcommute at pagkain.

hay.. tinatamad nakong maghanap ng trabahong hindi ko gusto. medyo obvious naman kung anong gusto ko maging paglaki ko (kahit malaki na ako). at para makamit ko yun kailangan ko ng pera. seriosong datung. at naiinis ako na ngayon ko lang natututunan ang importansya ng pagkakaroon ng pera. lagi ko kasing iniisip noon na makamundong bagay lang yan. wala naman akong ginagastos na hindi ko kailangan kaya najujustify ko ang pag-gastos. pero nasa mundo tayo at kailangan ng makamundong bagay upang mapanatili ang ating pagiging tao. ayokong maging abo. wag pa. wag muna. di pa ako marunong mag-drawing ng tao na may damit. bigyan mo muna ako ng tatlong taon para makapag-aral ulit. gusto kong lumago bilang tao. pero kailangan ng pera. bakit ba kailangan pa ng pera?

sino ba nag-imbento ng capitalismo? ha? lahat naman tayo may kani-kaniyang kagalingan. kung lahat lang sana tayo pantay pantay, walang magnanakaw. oo na, kakaiba na ako. baliw kasi ako. inaantok lang ako. at nalulungkot pa rin dahil hindi perpekto ang mundo. ahuhuhu... pag ako nabigyan ng pagkakataong lumipat ng planeta, gusto ko ako ang magiging presidente para walang kurakot dahil walang kukurakutin. walang pera sa aking bagong planeta. lahat ng resources ay paghahati-hatian ng lahat ng pantay pantay. lahat ng tao may kani-kaniyang gawain, depende sa kaniyang kagalingan. kapag may pagkain, lahat makakakain. kapag may kakulangan sa tubig, lahat hindi maliligo. ito ay magiging perpektong mundo. lahat ng tao mayaman, dahil walang taong mahirap. baka nga hindi maiimbento ang salitang pangit dahil lahat ng tao ay gwapo't maganda. dahil dito, da best ang tourism sa amin. go go go tourism.

wala lang... nalulungkot kasi ako... magiging kapitalista ako balang araw >_< waa... hay... gusto ko lang naman magbenta ng damit. wala namang masama dun diba? ang umaaway lang naman sakin ay ang sarili ko. parang tanga lang. inaaway ang sarili. haha. hay kapitalismo. salot... kailangan ko kasi ng pera. isa akong hipokrito. hay...

Sunday, September 13, 2009

decisions

there's a neurological explanation for everything. i stumbled upon this blog: boing boing. so cute ^_^

http://www.boingboing.net/2009/09/08/how-we-decide-mind-b.html

the most important thing you'd ever learn, you learn from Goldilocks. not too much, not too little, just right. making good decisions involves the balance between logic and emotion. think about it, but don't over think. think about consequences but don't explain yourself, it messes everything up.

i think that's my problem. i over think. i keep on finding reasons, trying to explain myself and finding logic in everything that i do. i did this because of that and because of that i'm doing this. oh great. and everything can be written in a manual. i don't think it's even necessary. i'm happy where i am. i'm grateful for what i have. i don't really have much. it doesn't seem that i'm moving forward, but i am. i'm not there yet but i would be, soon. hopefully in the next 3 years or else i might resort to another life altering decision, which might be too late. for now, i'm trying to live and enjoy every moment of it even if not everyone could relate or would agree.

i didn't take the chemistry board exam because i don't want to be a chemist. i would love to have the title. it would really be logical if i did but i didn't. i can't explain why, i just know in my heart that it's not the right place for me. ayaw sa akin ng chem. so bakit ko pipilitin ang sarili ko sa isang lugar kung saan hindi ako welcome. i'd rather be happy doing what i love than force myself into something that doesn't bring me joy.

may iba pakong life changing decisions na ginawa. adik lang. pinasabog ko lang naman ang buhay ko, at nagbabagong buhay nako ngayon. unti-unti.

don't think too much, but don't let your emotions get in the way ~_^

~

naalala ko lang, perfect timing ang aking life altering decision dahil yun ang linggong nagsimula ang aking weekend classes. perfect timing. destiny? hehe

LSS pa rin ako ng closing song mula sa worship service kanina. today's message was so emotional. simula pa lang umiiyak na ako. i really felt the holy spirit fill the room, and it took over me. di nako makatigil umiyak. ang dami ko kasing nangyayari sa buhay ko ngayon na nakakaoverwhelm. i really feel that i won't be sane if i did not have faith. ngayon ibang klaseng joy yung hinahanap ko. something that's sustained by the Lord. kulang pa ako nito. it's easy to say that i want to trust the Lord completely but to actually be that person is a different story. sabi nga ng ibang friends ko, skeptic ako. i use too much logic. i'm too practical. pero unti-unti, natututo naman ako. hindi ko na pinoproblema ang hindi kailangan problemahin. kaya nga nandiyan si Lord para pagtawanan ka pag may bloopers ka para hindi ka mukhang tangang tumatawa mag-isa :p haha saya! at pag tapos ng interview may katangahan kang ginawa, may makakausap ka agad. everyday gets easier kahit napepredict kong dadami pa lalo ang challenges. natutuwa lang ako ngayon. energized na ulit for the next week XD

i should learn to trust. stop procrastinating. stop fearing what's ahead. di ko naman talaga alam kung anong nag-aantay sa akin eh. trust lang talaga. at wag na magpuyat! waaa.... disiplinaaaaa~ anuba... haha. aja!

i was supposed to write how religion is the opium of the masses. it still is but, well, kung sa akin lang, masarap ma-high! wala namang masamang health effects ang pag worship kay Lord ^_^ it's a great feeling and i hope everyone would try it. wag lang masyadong magpapadala sa emotions haha. whee!

names

eevs san lorant. YSL for short. haha. nakaka LSS yung name niya. Yves Saint Laurent...
he's ok. di pako familiar sa works niya. i should be familiar by now pero mas madali sana kung may magreregalo sa akin nung book na may pictures ng mga damit na trademark ng bawat sikat na designer. nasa wishlist ko ang Fashion ni Taschen just because it was recommended. kung may mabuting nilalang na magreregalo sakin nun, magiging masaya ako. whee!

i wish i had a catchy name... yung tipong masabi lang isang beses ng isang tao maaalala mo na. or something interesting enough, like YSL, that you wouldn't forget it even if you're not familiar with their works. buti pa si monique lhuillier tunog french ang pangalan. galing. di halatang pinoy. apir.

Friday, September 11, 2009

franck sorbier

a certified haute couturier. he's one of only 11 who are privilaged to have the title.

http://www.francksorbier.com/index_en.html
http://www.nymphenburg.com/us/editions/couture-edition/designers/franck-sorbier.html
http://themoment.blogs.nytimes.com/2009/02/03/paris-couture-the-fabulous-b-list/

sizzling haute

there are two kinds of fashion: haute couture and pret-a-porter. may mga symbols sa taas ng letters pero siyempre tinatamad nako lagyan. pampaarte lang yun sakin. mga french talaga ang aarte. parang yung french fries. ayoko nun kasi maarte siya haha.

haute couture means high fashion. most people would think that anything that's sort of wearable na bonggang bongga ang level is haute couture. when you see an avant-garde piece you'd think, "ah that's haute!" but no, not necessarily. from wikipedia (i love wikipedia), it says there that haute couture

"refers to the creation of exclusive custom-fitted clothing. Haute couture is made to order for a specific customer, and it is usually made from high-quality, expensive fabric and sewn with extreme attention to detail and finish, often using time-consuming, hand-executed techniques."

and the term could only be used by fashion houses that meet standards set by the Chambre de commerce et d'industrie de Paris. Only those fashion houses who design made to order clothes, have a workshop that employs a certain number of workers and showcase their work every season through runway shows in paris can be called couture houses. haute couture is not too profitable. only about 7% of all fashion revenues are from haute couture. although it seems like a very glamorous career, the rich are still dressed by the poor. not very appealing to me.

pret-a-porter or ready-to-wear clothing are those that are made then hung on racks or placed on shelves. that's what you see at the boutiques you often visit during your weekends at the mall however bonggacious they may be, or not be.

wala lang. gusto ko lang i-share ^_^ haha

Wednesday, September 09, 2009

happiness

happiness is a choice. that's what most people might say. sige ulit-ulitin mo pa yan pero kung nandiyan pa rin yung reason kung bakit ka malungkot, hindi ka pa rin genuinely sasaya.

the prospect of genuine happiness is what motivates me to keep moving forward. masaya naman ako ngayon. you'd always see me smiling but there's still something missing. so far i've found bits of it in my family, my friends, from going to church, and from the internet (yey ym). pero kulang pa rin... hindi pa 100% fulfilled. kapag matutulog nako, hindi ko masabi sa sarili ko na nagawa ko ang lahat ng kaya kong gawin.

gusto kong magbago. as in total make over. gusto ko malaman ang purpose ko. kulang na ata ako sa volunteer work. kulang nako sa interaction with people who need me. nahihiya nakong ako yung laging may kailangan. gusto ko ako naman ang nagbibigay. nalulungkot nanaman ako... feeling ko ang incapable ko. ayoko na madagdagan ang mga bloopers sa buhay ko. ayoko na maging malungkot.

lasing sa antok nanaman tong blog na to... hmph... haha

(i love lea salonga)

happiness
-lea salonga-

Happiness is two kinds of ice cream

Finding your skate key, telling the time

Happiness is learning to whistle

Tying your shoe for the very first time

Happiness is playing the drum in your own school band

And happiness is walking hand in hand

Sunday, September 06, 2009

pashion

today i learned how to draw diagonal lines, curved lines, and a combination of the two. now my fingers are in pain. oh noooo.....

new goal: by december i could draw. yeah. yan din sinabi ko last year. mukhang matutuloy na ngayon. xmas gift at bday gift ko na sa sarili ko hahaha.. i love myself

i'm still slightly depressed. oh well...

this week kailangan kong makapagtahi ng dalawang dress... well... itatransform ko lang naman yung mga luma kong chaka skirts (na nasulit ko sa folk dance) at gagawin ko silang tube dress. how complicated XD nagsawa na kasi ako sa de tali sa leeg na dress. for a change gawin nating mas simple ang buhay.

i hope i could get pictures para future mapapakita ko sa mga apo ko kung gaano ako kalandeeee. it's hard to take a picture of myself kasi especially since the light in my room, where the mirror is, is yellow. kailangan ko ng photographer na may matinong lights. haha

Saturday, September 05, 2009

resurrection

para akong namatay at nabuhay ulit... haha ang galing galing... siguro mas matinong term ay nagsuicide para mabuhay ulit at magsimula sa pagka toddler. parang bumalik ako sa nursery. feeling ko kasi yung mga ininvest ko noon ay pinamigay ko na sa C2 boys na pakalat-kalat sa UP. in short, hindi ko alam kung may mabuti pang paggagamitan ang mga pinag-aralan ko sa loob ng 9 na taon (5 - college, 4 - science high school). ang galing galing ko talaga pumili ng karir path. idol ko na talaga ang sarili ko. inantay ko munang makagraduate ako at mag-aral para sa board exam bago ko narealize na hindi naman talaga ito ang gusto ko.

ang problema ko kasi ehhhhh.... hindi ako sigurado kung magiging successful ako sa karir na gusto ko. take note, gusto. yes naman inamin ko na rin na ayoko sa chem. hahaha! ang hirap kasi masyado at hindi kaya ng munti kong utak. sure, call me a quitter. pero i did my best. at hindi ganun ka-attractive ang hazardous work environment sa isang laboratory. ayokong mabaog, please lang. ang katawan ko ay ginawa upang magdala ng bata. obvious naman sa laki ng boobs ko at lapad ng aking balakang diba? hahaha joke... pero seriously, gusto ko pa magkaroon ng baby kahit hindi ganoon kaganda ang aking jeans. chika. hay... may karapatan naman akong sumuko diba? minsan kailangan lang tanggapin na hindi ito ang tamang daan para sa akin. ang problema ko ngayon, hindi ako sigurado kung yung gusto kong career path ay yung tama. tinanong ko si Lord, sabi niya basahin ko sa bible. so far, hindi ko makita dun ang sagot. wala kasi akong mahanap na, "Laya, go lang" or "mas bagay yata sayong maging teacher" hahaha. bakit kasi literal ang pagkakaintindi ko noh? hahaha

sayang talaga. pero naisip ko rin, kung hindi ngayon, kelan ko pa gagawin ang gusto ko. at hanggang kailan ako magtitiis sa isang trabahong hindi ko kayang galingan kung alam ko namang may iba akong pwedeng gawin...

emo mode lang... haha. san ka pa kasi nakakilala ng isang chem graduate na nagbabalak maging fashion designer noh. winner nga daw ako. sobrang related kasi ang chem at design. siguro gagawin ko na lang inspiration ang graph ng potential energy ng electron. favorite graph ko yun eh. next yung phase diagram for two components ^_^

can't wait to go back to san mateo. gagawin kong dress yung mga skirt kong chaka. sabihan niyo lang ako kung kailangan niyo ng cocktail dress. yun nga lang kailangan kasing payat ninyo ako XD