i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, September 19, 2007

molar

kumakatok ang aking wisdom tooth... gusto na niyang lumabas... tinutulak niya ang aking gilagid... nangiistorbo sa mga ngiping nananahimik lang sa tabi... di ko alam kung paano mapapadali ang buhay at kung paano mababawasan ang sakit... basta alam ko lang gusto na niya lumabas, ang gusto ko lang, katahimikan...

bakit pa ba kailangang magkaroon ng ganitong pangyayari... ngayon pa kung kailan nananahimik na ang lahat? akala ko pa naman masaya na siya sa ganung pusisyon, yun pala nagtitiis lang siya sa likod. ok lang naman sa aking pabayaan siyang lumabas. yun nga lang masakit. pero wala naman akong magagawa kundi payagang gawin niya ang kaniyang nais... pagkat siya ay bahagi na ng aking buhay. siya ang aking wisdom tooth. napakainam...

2 comments:

  1. haha! in depth ang mga words ah!

    hello laya! ^o^

    ReplyDelete
  2. hahaha! minsan talaga kailangang magdrama... :p

    ReplyDelete