ang galing talaga, may mga taong bigla na lang nagkukuwento sa akin ng mga bagaybagay, hindi ko naman hinihingi. nakakatuwa lang ^_^ siyempre nalaman ko agad kung sino ang crush niya kahit hindi ko man lang alam ang last name niya... hahaha! sayang hindi nangyayari yan pag may exam... yung tipong sasabihin sayo ang sagot kahit hindi mo hingin... yung tipong ibibigay na lang sayo bigla yung tres na inaasamasam mo kahit hindi ka na lumuhod at magmakaawa sa prof mo...
due monday, hw sa biochem pati kailangan ko magbasa sa phychem ii kasi may quiz ata
due tues, probset sa quantum, pati sa phychem i... hmm... di ko yata kakayanin... buti may groupmates ako.. hehehe
tapos may dance training pa pala kami! grabe na itech! sana naman buhay pako next week kasi may fieldtrip nanaman kami... nung huling fieldtrip kasi, nagka ubo't sipon ako... sus... di na nga ako magpupuyat --_--'
self pity should be banned from now on... hay grabe... tama ba namang hindi pa tapos ang unang buwan ng klase at ang dami na agad kailangang matapos >_<
por dat di muna ako magpapakita sa aking thesis adviser... kebs sa mga serratia na paparamihin ko pa lang... kebs kung maextend ako ng isa pang sem... kebs kung sobrang mahal na ng tuition sa up... ayoko munang madagdagan ang mga rason para mabaliw ako... kung ano muna ang due, yun ang unahin... wahahaha!
No comments:
Post a Comment