i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Tuesday, June 12, 2007

bdays and singaw

birthday ko daw sabi ni mang mer! araw kasi ng kalayaan --_--'

happy birthday to me... nakalibre ako kay mang mer ng dalawang stick ng fishballs ^_^ yey! ang cheap ko daw sabi ni lee ann, pero ang libre ay libre pa rin... patay gutom lang, hindi naman cheap... hahaha!

~

ang hirap talaga pag may braces... nagkakaroon ng sugat sa bibig ko... hay, ang lungkot... pero ok lang naman may singaw kasi at least hindi naman alam ng mga tao na may singaw ako. di tulad ng pimple na kitang kita kasi nasa mukha, ang singaw, natatago. kaya kong ipagpatuloy ang araw ko nang hindi nalalaman ng mga tao na may singaw ako, not that it matters, pero masaya lang may alam ka na hindi nila alam.

ang kasiyahan sa maraming sikretong nalalaman, pakiramdam mo mas nakatataas ka sa mga tao sa paligid mo dahil may alam kang hindi nila alam. somehow, you feel superior. but then, sigurado ka bang wala silang sikretong tinatago sayo?

~

i'm not really the type of person who tries to squeeze out information out of people. but if i really want to know something, marunong naman akong magtanong without really looking like a chismax hungry bitch. sa tanda kong to, ang dami ko nang chizms na alam about people that i don't actually know. pero sa tanda kong to, ulianin na rin pala ako. dahil hindi ko naman kilala personally yung mga tao, at wala namang relevance sa buhay ko yung mga impormasyon, ang daling kalimutan. kung ang mga constant sa chem eh di ko mamemorize, masisingit ko pa kaya ang chismax sa utak ko? --_--'

for that, i'm not really superior.. i'm a pathetic being... maawa ka sa akin kasi nakakaawa ako.. libra mo ko ng c2 apple na malaki ^_^

2 comments:

  1. you're not that pitiful =p ganon din ako.. i don't really press people to tell me things.. and sometimes it's not that worth it to know

    ReplyDelete
  2. this is one of my most incoherent posts ever... jumping from one topic to another. kasalanan ni kunsensya eh. kung anuanong chismax ang sinasabi niya sa akin while explaining why knowledge is power. haha! mas masaya makinig pag willing magkwento ang mga tao...

    ^_^

    ReplyDelete