i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Friday, January 15, 2010

zippers

matagal ko nang pinag-iisipan ito... madalas kasi tuwing sumasakay ako ng mrt, dun ako sa dulong car. co-ed kami dun. madalas din, nakakaupo ako dahil north avenue ang aking estasyon. iniisip ko minsan, paano kung yung lalaking nakatayo sa harap ko, bukas ang zipper. paano ko sasabihin sa kaniya? sasabihin ko ba sa kaniya? ano kaya ang gagawin ko kung mapunta ako sa ganung sitwasyon.

at dahil ako'y sinuswerte ngayong araw na ito *sarcastic* nangyari nga! hay nako... yung lalaking nakatayo sa harap ko ang kaawa-awang biktima ng open zipper syndrome XD hay nako! buti na lang huli na nang malaman ko. pagkatapos ng ilang minuto, umalis din siya sa harapan ko at naupo sa tabi ko. buti na lang.

2 comments:

  1. hahaha. kamote. (O_o) too close for comfort e no. haha.

    ReplyDelete
  2. hay nakoooo... ang sakit talaga sa ulo. sa lahat ng tao talaga yun pang guy na directly nasa harap ko XD

    dapat yata nakasulat sa pintuan ng cr "flush after use and please check your zippers"

    ReplyDelete