i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, January 06, 2010

hay

ang bagal ko kumain ng dinner...

kaninang lunch time, sabi nung kaibigan ni lola, kumain daw ako ng madami para tumaba ako. dapat daw marami akong kasama kumain para mapilitan akong bilisan habang nakikipag-agawan ng pagkain. eh wala nakong magagawa. ganto lang talaga ako kabagal kumain.

sabi niya, noong dalaga pa ako, kasing payat mo rin ako! nung nagka anak ako bumigat ako! nagkaroon ako ng isa pa, bumigat ulit ako! at nagkaroon pa ulit ako, bumigan nanaman ako! kapag nagka-anak ka, bibigat ka rin. ilang taon ka na ba?
ahh... 23 po.
naku! bata ka pa pala. may boyfriend ka naman diba?
uhh... wala na po kami eh. ewan... hindi ko naman po problema yun.
wag mo kasi susungitan ang mga lalaki. kung kausapin ka, kausapin mo rin. maging mabait ka sa kanila para makita nila ang kagandahan ng iyong puso.
hindi ko naman po problema yun eh.
darating din ang lalaking para sayo.
ah.. eh.. sige po. salamat po.... --_--'

natuwa naman ako sa mga advice niya. kailangan ko na mabuntis! sinong gustong maging sperm donor diyan? XD

No comments:

Post a Comment