parang usong uso na ang pagvovolunteer ah... kailangan talaga magkaroon ng sakuna para mapakilos ang mga tao noh... eh kasi walang pasok. buti na lang walang pasok. sana makaahon na ang mga naapektuhan ni Ondoy. at sana makapaghanda sila para sa pagdating ni Pepeng. at may chismax pang mas malakas si Pepeng kesa kay Milenyo. mas mahangin si Pepeng kesa kay Ondoy. mayabang siya. siguro gwapo.
tuloy tuloy lang ang pagtanggap ng mga volunteer centers ng new volunteers at donations. feeling ko enough na ang clothes, mas urgent need ang pagkain kasi kaya mo mabuhay kung hubad ka pero mamamatay ka kung wala kang makain dahil sa ulcer. kailangan di ng magvovolunteer ng transportation dun sa UP Church of the Risen Lord. maraming volunteers pero kulang sa transpo at sa goods na i-rerepack. you know naman UP people, we are good pakers but we need something we can pak.
nakakainggit ang efforts ng mga tao. gusto ko rin XD hay... bakit kasi ang konti ng free time ko.
bakit kasi may Pepeng na umeepal sa eksena. anuba, hindi pa kami over kay Ondoy sisingit ka pa. excuse me... di pa kami ready. heartbroken pa kami. wala kaming mood for a rebound. shoo!
No comments:
Post a Comment