alam ko na kung paano ako sisikat! gagawa ako ng blog entry na tumitira sa isang grupo ng tao. ibubulgar ko ang mga masasama nilang gawain. i-eexagerate ko. titirahin ko sila to the next level para maasar sila to the next level. siyempre balewala na kung ang sinasabi ko ay may katotohanan o wala, basta maganda ang tunog. tipong may latin quotations pa para bongga. di naman nila iintindihin yun eh. ang mararamdaman lang nila, sinasabi kong mali sila at tama ako. magaling. sigurado ako, dadami ang views ko at sisikat ako sa inturneyt!
kapag tirahin mo ang pride ng mga tao, sigurado magrereact yan. example: http://fvdb.wordpress.com/2009/10/06/when-uaap-is-reduced-to-mere-academic-bigotry/
pustahan, kung magpost ako ng entry na "stupid ang mga taga UP!!!" dadami ang views ko. ipopost pa ng mga tao sa fezbuk at multipolay ang link sa page ko at dadami ang aaway sakin. wala lang... naisip ko lang :p too bad di ako binabayaran sa page views ko. edi may source of income na ako. bongga. ako ay magiging official taga tira ng mapride. ayus
~
ganda sigurong sabihin yun noh... "so what do you do for a living?" "well... i bash people online to get page views and instant money from my google ads. how about you?"
No comments:
Post a Comment