i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Thursday, October 15, 2009

nerd mode

gusto ko gumawa ng study tungkol sa density distribution ng tao sa mrt. siyempre excempted ang first car bilang pambabae lang yun diba. gusto ko lang patunayan sa ibang tao diyan (yung mga nerd friends ko) na yung 2nd door pa rin ang best choice. kahit pa pakita ninyo na pinakamaganda ang flow kapag sa 3rd door ka papasok, mas malaki pa rin ang chance na makakaupo ka kung dun ka sa 2nd door papasok.

basta... eventually makakaipon din ako ng data at makakasulat rin ako ng scientific paper tungkol sa mrt. ang problema ko nga lang, kapag mapatunayan ko na ang aking mga pinaniniwalaan, baka maapektuhan ang decisions ng mga tao, at papasok na rin sila dun sa favorite doors ko. dadami na ang aking mga karibal. marereverse ang data. hay nako, panibagong data gathering nanaman ito! ayaw ko na nga! XD

everything could be backed out by data. i believe that everything has a cause, we're just not sure what these causes are. maaaring madaming tao lagi dito sa particular car ng mrt dahil ito ang katapat ng daanan ng tao. malalaman natin kapag matapos nako sa aking study.

ay!!! oh noooooo.... yung mga dahon na binabad ko sa clorox!!! nalunod ni Ondoy!!! XD waaa... ngayon ko lang naalala... hay... kamusta na kaya sila... saan kaya napadpad ang aking mga namuting mga dahon... hmm...

~

kanina, may nagtanong sa isang guy, "diba NGSB ka? bakit? ano ang reason behind?" "kasi yung mga nagugustuhan ko, gustong maging friends lang kami. ganun kasi ang trend." hindi yan ang eksaktong sinabi pero ganun na rin ang sense. nakakatawa lang. may trend na nagaganap. ang ating buong buhay ay isang science experiment. nasa iyo na lang kung paano mo iinterpret ang data. nasa iyo na lang rin kung paano mo gagamitin ang iyong discoveries.

minsan feeling ko ang tanga ko. kasi paulit-ulit na lang nangyayari sa akin, hindi pa rin ako natututo. haha

happy birthday jed

3 comments:

  1. true! da best ang second door! hahaha

    ReplyDelete
  2. i know right! hahaha! hui, sikreto lang natin yan ha... XD

    ReplyDelete
  3. wag mong ikalat kasi mamaya niyan lahat na dun sa 2nd door, hahaha!

    ReplyDelete