i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Monday, October 26, 2009

deystini

que sera... sera... whatever will be, will be...

kahit pa sabihin mong hindi mangyayari sayo ang isang bagay, kung tinadhana, mangyayari at mangyayari sa iyo. kahit pa sabihin mong hinding hindi ka na magpapagupit, kung gusto ni tadhanang umikli ang buhok mo, ang buhok mo pa mismo ang hahanap ng paraan upang mapalapit sa gunting o mapalapit sa apoy na susunog sa buhok mo. suicidal lang haha. ang problema, hindi ko alam kung saan nakatira si tadhana kaya di ko matanong kung anong balak niya sa buhay ko. kahit papaano naman medyo nagpaparamdam siya at sinasabing, "go lang, ituloy mo lang yang ginagawa mo." sana lang hindi niya ako bulabugin after 5 years at biglang sabihing, "hindi naman yan ang sinabi ko sayo eh." hay nako... sana tama pa ang ginagawa ko...

~

marunong nako magdrawing ng mata! XD

Thursday, October 22, 2009

eureka!

alam ko na kung paano ako sisikat! gagawa ako ng blog entry na tumitira sa isang grupo ng tao. ibubulgar ko ang mga masasama nilang gawain. i-eexagerate ko. titirahin ko sila to the next level para maasar sila to the next level. siyempre balewala na kung ang sinasabi ko ay may katotohanan o wala, basta maganda ang tunog. tipong may latin quotations pa para bongga. di naman nila iintindihin yun eh. ang mararamdaman lang nila, sinasabi kong mali sila at tama ako. magaling. sigurado ako, dadami ang views ko at sisikat ako sa inturneyt!

kapag tirahin mo ang pride ng mga tao, sigurado magrereact yan. example: http://fvdb.wordpress.com/2009/10/06/when-uaap-is-reduced-to-mere-academic-bigotry/

pustahan, kung magpost ako ng entry na "stupid ang mga taga UP!!!" dadami ang views ko. ipopost pa ng mga tao sa fezbuk at multipolay ang link sa page ko at dadami ang aaway sakin. wala lang... naisip ko lang :p too bad di ako binabayaran sa page views ko. edi may source of income na ako. bongga. ako ay magiging official taga tira ng mapride. ayus

~

ganda sigurong sabihin yun noh... "so what do you do for a living?" "well... i bash people online to get page views and instant money from my google ads. how about you?"

Saturday, October 17, 2009

diy design

http://styleshake.com/
pang-review lang sa mga tawag sa iba't ibang klase ng gupit ng pananamit :p

Thursday, October 15, 2009

nerd mode

gusto ko gumawa ng study tungkol sa density distribution ng tao sa mrt. siyempre excempted ang first car bilang pambabae lang yun diba. gusto ko lang patunayan sa ibang tao diyan (yung mga nerd friends ko) na yung 2nd door pa rin ang best choice. kahit pa pakita ninyo na pinakamaganda ang flow kapag sa 3rd door ka papasok, mas malaki pa rin ang chance na makakaupo ka kung dun ka sa 2nd door papasok.

basta... eventually makakaipon din ako ng data at makakasulat rin ako ng scientific paper tungkol sa mrt. ang problema ko nga lang, kapag mapatunayan ko na ang aking mga pinaniniwalaan, baka maapektuhan ang decisions ng mga tao, at papasok na rin sila dun sa favorite doors ko. dadami na ang aking mga karibal. marereverse ang data. hay nako, panibagong data gathering nanaman ito! ayaw ko na nga! XD

everything could be backed out by data. i believe that everything has a cause, we're just not sure what these causes are. maaaring madaming tao lagi dito sa particular car ng mrt dahil ito ang katapat ng daanan ng tao. malalaman natin kapag matapos nako sa aking study.

ay!!! oh noooooo.... yung mga dahon na binabad ko sa clorox!!! nalunod ni Ondoy!!! XD waaa... ngayon ko lang naalala... hay... kamusta na kaya sila... saan kaya napadpad ang aking mga namuting mga dahon... hmm...

~

kanina, may nagtanong sa isang guy, "diba NGSB ka? bakit? ano ang reason behind?" "kasi yung mga nagugustuhan ko, gustong maging friends lang kami. ganun kasi ang trend." hindi yan ang eksaktong sinabi pero ganun na rin ang sense. nakakatawa lang. may trend na nagaganap. ang ating buong buhay ay isang science experiment. nasa iyo na lang kung paano mo iinterpret ang data. nasa iyo na lang rin kung paano mo gagamitin ang iyong discoveries.

minsan feeling ko ang tanga ko. kasi paulit-ulit na lang nangyayari sa akin, hindi pa rin ako natututo. haha

happy birthday jed

Sunday, October 11, 2009

puyat.. nakakapayat

kailangan ko na ayusin ang sched ko... bakit kasi mas masarap matulog kapag kailangan na gumising? bakit ang sarap magpuyat kung kailangan matulog ng maaga? hay nako... ang pinakamalaki kong bisyo... puyat...

nahihirapan ako matulog kasi nalulungkot ako. feeling ko kasi ang lonely kapag matutulog na. wala kang kausap. wala kang ginagawa. ang dami mo pang pwedeng makachat o makakuwentuhan. ang dami pang pwedeng gawin kapag gabi. hay...

pero diba, i'm a new person now. hindi nako magpupuyat! hindi na pwede. disiplina ang kailangan para sa mas matabang laya. yeah... tataba rin ako. hindi nako magpupuyat. yeah... and no more stress... kailangan ko talaga tumaba... goal in life: get fat XD how shallow. yun pa lang naiisip kong matinong motivation para hindi magpuyat eh... hmm... may suggestion ka pa? wala namang magagalit sakin kapag puyat ako... :p

sinong bitter? XD

Friday, October 02, 2009

volunteers

parang usong uso na ang pagvovolunteer ah... kailangan talaga magkaroon ng sakuna para mapakilos ang mga tao noh... eh kasi walang pasok. buti na lang walang pasok. sana makaahon na ang mga naapektuhan ni Ondoy. at sana makapaghanda sila para sa pagdating ni Pepeng. at may chismax pang mas malakas si Pepeng kesa kay Milenyo. mas mahangin si Pepeng kesa kay Ondoy. mayabang siya. siguro gwapo.

tuloy tuloy lang ang pagtanggap ng mga volunteer centers ng new volunteers at donations. feeling ko enough na ang clothes, mas urgent need ang pagkain kasi kaya mo mabuhay kung hubad ka pero mamamatay ka kung wala kang makain dahil sa ulcer. kailangan di ng magvovolunteer ng transportation dun sa UP Church of the Risen Lord. maraming volunteers pero kulang sa transpo at sa goods na i-rerepack. you know naman UP people, we are good pakers but we need something we can pak.

nakakainggit ang efforts ng mga tao. gusto ko rin XD hay... bakit kasi ang konti ng free time ko.

bakit kasi may Pepeng na umeepal sa eksena. anuba, hindi pa kami over kay Ondoy sisingit ka pa. excuse me... di pa kami ready. heartbroken pa kami. wala kaming mood for a rebound. shoo!