i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Monday, July 06, 2009

nursery blue

nanaginip ako kanina bago ako magising. isa daw akong teacher ng kinder. nakatayo ako sa gitna ng classroom na may walls na color blue pero yung isang part wala pang pintura kaya pininturahan ko. gamit ko roller brush kasi sushal ako. yun nga lang hindi pareho yung shade ng blue na ginamit ko. pinabayaan ko na lang. kinder kids lang naman ang makakakita nun.

habang tinititigan ko yung wall at umaasang magbabago ang kulay niya with the power of my mind, dumating na ang aking mga estudyante. now that i think of it, parang ang lalaki ng mga bata. parang grade3 na. eh pero kinder daw sila so go, kinder daw.

first day of classes so introduction plus talent show galore buong oras. isa isa silang nagpakilala at nagpakita ng talent. ang naaalala ko lang eh may kumanta. madali naman kasi kumanta. may question and answer portion din para sakin. dami nilang tinanong. ang naaalala ko lang yung mga political na questions. grabe noh, kinder lang sila pero aware na sa nangyayari sa politics at society. astig.

the school is located somewhere in fairview. di ko alam kung anong sense ng panaginip kong to. ni hindi ko kilala yung characters. usually kasi may at least isang tao dun na kilala ko kaya nalalaman ko kung tungkol saan yung panaginip. pero wala. i'm clueless. siguro nahawa lang ako kay lee ann dahil pre-school teacher siya ngayon.

pagod na siguro utak ko kakaisip ng sarili kong problema kaya gumagawa siya ng mga pantasyang simple at masaya para kahit sa panaginip simple at masaya ang buhay ko ^_^

~

nursery blue pala section ko nung nursery ako. nung kinder, kinder gray haha...

di ako qualified magturo ng preschool. wala akong educ units.

No comments:

Post a Comment