i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Monday, July 13, 2009

bakla

since i'm still working where the radio is not under my control, i still get to hear songs that i don't usually hear... really funny...

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

sinong matinong lalaki ang pipiliin ang bakla sa babae? hmph...
it gets played on the radio 4x a day. i know. because we keep track --__--'

wala na bang pag-asa ang opm? hahahahaha!

~

isang linggo na lang ang titiisin ko sa pakikinig sa ganitong mga lyrics... feeling ko mamimiss ko rin kahit hindi ko gusto. coz it's fun hahaha!

6 comments:

  1. well, kaya nga ganun ang nasabi ni Freddie Aguilar, kasi kailangan ng matinong songwriters ang OPM indsutry. tipong hindi na pang-novelty songs ang sinusulat.

    ReplyDelete
  2. haha! ang daming pinoy na magaling kumanta. maramirami rin namang magaling gumawa ng kanta. yun nga lang, mas magagaling ang mga promoter ng mga kantang hindi matino kaya ang mga matitinong artist hindi pinapansin....

    nakakatawa yung mga nababasa kong blog. madaming galit ngayon kay freddie aguilar dahil sa comments niya. inggit lang raw at may crab mentality si ka freddie. oh well... eventually, hopefully, magbabago rin ang colonial mentality ng mga pilipino pero sa ngayon mukhang di pa sila handang masermonan.

    ngayon, magtitiyaga lang muna ako sa mga novelty songs --_--' hay...

    ReplyDelete
  3. fowtek..ako rin.. at ang alagang baboy namin dito sa bahay ay paboritong-paborito yan.. at saka may isa pang tagalog song na parang tinotorture siya ng GF niya...baka isa lang kumanta nun..

    at kay ka fredie naman..tanggapin nya na lang ang katotohanan na ang novelty songs ay bahagi ng OPM.. hindi lahat ng tao ay gusto ng kanta nya at naghahanap din ng ibang genre (ano daw? maka-novelty na pala ako!..haha)..

    ReplyDelete
  4. talaga maka novelty songs ka na pala ngayon. naku lumayo ka sakin. ayoko sayo bwahahaha! sawang sawa nako sa mga kantang walang sense --_--' may sense man, wala namang kwenta yung sense hahaha! ayoko lang talaga yung mga bastos na kanta. anuba.... may mga minor na nakikinig sa radyo. kawawa naman ako. i'm so sweet and innocent pa naman... :p

    speaking of novelty songs... waaa... pinapatugtog nanaman sa radyo yung kanta! >_

    ReplyDelete
  5. ay napakinggan ko na yan. iba na talaga trip ng mga kabataan ngayon. iba na rin gagawin ng mga kantaterong yan para lang bumenta. eh. dun sila masaya eh. wala na lang basagan ng trip. hahahaha. ayoko na makinig ng radyo.

    ReplyDelete
  6. meh ganun?!? boycot na lang ng radyo hahaha! why not...
    oo nga iba na nga ang trip ng mga gumagawa ng kanta ngayon. may mga kanta nga rin na tungkol sa tibo. haha! tapos na kasi ang era ng emo. homosexuality at mga saging naman ang pinagtitripan ngayon :p

    kaya nauuso ang ipod at mp3 players eh... kung hindi mo gusto ang pinaparinig sayo ng dj, gumawa ka ng sarili mong playlist ^_^

    ReplyDelete