may mcdo so kanto malapit sa bahay namin... halos lahat naman yata ng kanto may mcdo, pero yung sa amin special. siyempre dahil highschool pa lang ako, nagcacram nako para sa exam ko sa 2nd floor nun. nung college dun nako sa baba dahil sarado na yung 2nd flr. ayoko pumepuwesto sa may bintana dahil andaming batang usi at minsan may bonus na ambon pa dahil sa nagleleak na ceiling. sa aircon ata yun... at simula ng mabuo ang lugar na iyon, hindi pa nababago ang itsura at amoy nito except na lang nung binago na nila ang itsura nito.
marami rami rin pala ang memories ko dun... madalas noon, pag past 10pm na, lalabas mga pinsan ko at bibili ng coke float dun pati na rin kanilang midnight snack. dun din pala ako kumakain ng dinner pag late nako umuuwi. dun din ako nagpapalipas ng oras kapag mainit ang ulo ko at ayoko pa umuwi dahil ayokong umuuwi ng mainit ang ulo dahil ayoko lang. masarap kasing tumambay dun dahil konti lang ang tao at maganda ang sounds. minsan acoustic ang tugtog. minsan mga pop songs nung late 90's na masarap pakinggan. kahit take out ok rin dahil kilala ko yung mga mukhang nakikita ko. wala man akong kakilala dun, comfortable pa rin yung short stay. it still feels like home kahit wala akong kausap except for the person sa counter na hindi pa sanay kumuha ng order dahil bago pa siya at wala pa siyang uniform. may girl din dun na hindi marunong mag make up. nawitness ko ang kanilang transformation. unti unti silang nagmature at naging expert sa field ng pagiging mcdo crew. naks naman. siyempre di ko rin makakalimutan yung araw na pumasok bigla si kuya bodgie at nag order. lahat ng crew binati siya. all smiles. siguro special treatment talaga siya dahil bagong labas pa lang yung commercial niya ng 8-MCDO na mala-batibot lang naman...
hay... nakita na rin nila akong nakamake-up umorder. naka black pants pa nga eh dahil galing sa gig. mukha lang akong prosti pero dahil kilala nila ako sa mukha, di nila ako pinaalis. nakita na rin nila akong umiyak. ang ganda pa ng sounds ko nun... senti music. edi lalu akong umiyak. haha! matagal na rin pala akong hindi umiiyak sa mcdo. nakakamiss...
ngayon kasi iba na. pop/dance/remix songs na ang pinapatugtog nila. siyempre sinasabayan nila ang panahon. ang gara. nung unang araw pagkatapos ng transformation, may malaking mga speaker na nakatayo sa may pintuan. bago na rin yung counter pati yung sign sa labas. dumami na ang tao. puro hifhaf kids pa nga yung kasabay kong kumkain kanina. barkada na nakukuwentuhan. pati yung crew iba na. hindi na yung mga kulang sa experience na mga tao. parang professional na dahil nung inoffer ko na ako na magdadala ng tray at kalat ko dun sa may basurahan, poker face si kuya at sinabing "ako na po" wow ang professional talaga. heller kuya... di ko naman aagawin sayo ang trabaho mo... hmph... hindi ko na liligpitin ang tray ko pagkatapos ko kumain sa mcdo. badtrip.
kuya bodjie! nakakamiss yung batibot days.
ReplyDeletenyahaha. dito ka samin laya. payagan kita magligpit, maghugas, maglaba, magwalis, magbunot. lahat ng gusto mo. XD
ReplyDeletegusto ko lang naman nakangiti sila eh... hmph... kasi tatayo nako tas hawak ko yung tray. tas inagaw sakin... INAGAW!!! tas naka simangot pa siya... hmph... hmph...
ReplyDeletehalerrrr... wala ka sa tate no... hehe pero malay mo takot nga siya mawalan ng trabaho... hehehhe
ReplyDeleteayoko lang yung hindi naaapreciate ang ginagawa ko... un lang... ok lang sana kung cute siya... but no! early 30's or late 20's na ata si kuya. hmph siya. di naman niya ata gusto ginagawa niya eh. kaya siguro siya nathethreaten noh? hahahaha
ReplyDeletekasi naman hayaan mo na si kuya... haha yung libre ko ha
ReplyDelete