i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Friday, May 09, 2008

french toast

Description:
ang hilig ko talagang mag breakfast kapag hindi na umaga haha! mga 4pm ko ata to ginawa kanina... ^_^

ilang calories kaya to? sana tumaba nako noh...

Ingredients:
2 slices loaf bread
1 egg
2 tsp (siguro) evaporated milk (naka close pa kasi yung fresh milk na nasa ref)
1 tsp oil (para sa pan)
2 tsp butter (para ulit sa pan)
honey

ang alam ko masama gumamit ng butter kasi nakakaclog ito ng veins at arteries pero kebs ko... masarap ang butter eh... tsaka ko na poproblemahin ang veins at arteries ko pag mataba nako haha!

Directions:
egg + milk --> wide bowl + bread
butter + oil --> pan + low heat + wet bread

patience is a virtue. the slower it cooks, the better... pero kung masyadong mabagal ang luto, sayang na sa gas... haha!

kapag malapit na masunog, pwede na alisin sa pan at pwede nang buhusan ng honey ^_^

dati gumagawa pako ng syrup pero tinamad ako kanina kasi may tao sa kitchen... hehe... i work better when i'm alone hahaha para walang makakakita pag may ginawa akong mali...

prep time: 15mins
eating time: 10mins (excluding pagpapalamig time hehe)

9 comments:

  1. waaaah..ginutom tuloy ako. huhu

    ReplyDelete
  2. nyahaha. french toast ay dessert na pala? sa bagay. ginagawa ko din 'tong merienda. XD

    ReplyDelete
  3. ayokong sabihing breakfast kasi never kong naisip na breakfast siya. eh walang option na "merienda" kaya dessert na lang hahahaha!

    sofia... ang sarap sarap! mmmmm.... hahahaha! buti nga walang pictures eh :p

    ReplyDelete
  4. hahaha... punta ka dito sa lb... meron isang resto na yan ang kasama sa burger steak nila... egg, french toast at burger steak.. waah kakagutom

    ReplyDelete
  5. masarap siya kasama ng hotdog. =) yum, tamang tama kakabili ko lang ng gardenia kanina. makagawa ng tomorrow.

    ReplyDelete
  6. effective ba mama laya ang pagkain ng french toast para tumaba? haha. kung sakaling tumaba ka na, magluluto na din ako ng french toast! hehehe.

    ReplyDelete
  7. naku... matagal nakong nagluluto at kumakain ng french toast pero hindi araw araw so hindi ko alam kung effective siyang nakakapagpataba hahaha! ^_^

    cescua... "makagawa nga tomorrow" hahaha! sinong conyo? :p di ko gusto gardenia... masyado siyang heavy at mahal. mas gusto ko yung nabibili lang sa san mateo na tig P25 lang ahihihihi

    ReplyDelete
  8. rj... weird naman, burger steak with french toast? haha! pag mapadpad ako sa elbi ilibre mo na lang ako dun ha hehehehe salamat!

    ReplyDelete
  9. haha fine. masarap kaya gardenia. rich kid ako e. =) pero in fairness ha, during my dorm days sa pisay, nasa 30 pesos lang siya. yesterday i did some grocery, 55 pesos. ouch... btw, di ako nakagawa ng francais toast. pero may tuna sandwich naman. yum! =)

    ReplyDelete