hindi lang siguro ako ang taong takot mamatay noh? pero takot din ako sa future. i rarely ever plan for the far off future. takot kasi ako sa future. feeling ko kasi mamamatay ako ng maaga kaya ayokong sayangin ang oras ko sa pagplano ng mga bagay na di naman darating sa akin. the farthest i've gone is just a couple of years from now. pero hindi naman talaga mga plano pero tipong vague picture of how my life could be. it's part of the laya's fears package of fear of death, fear of the future and fear of growing up. but wait there's more! if you order the package now, you'll also get the fear of rejection absolutely free! hahaha! takot akong hindi magkatotoo ang mga plano ko. to get rid of the pain, di nako nagpaplano masyado.
pero dahil sabi ng walang kuwentang quiz na matagal pa ako mabubuhay, should i start planning my life now? siguro magsisimula lang akong magplano ng matagalan kung may rason nakong magplano. yan ay kung alam kong hindi lang ako ang kasama. yung tipong may maaapektuhan na sa mga desisyon ko kaya gusto kong maayos na nakalapat ang mga plano ko. pero dahil wala pa naman akong pamilyang binubuhay, ganito pa rin ako mabuhay. pupunta ako kung saan ako dalhin. madaling gumawa ng paraan kung gusto ko.
malamang may mga taong papagalitan ako dahil sa ganitong pag-iisip ko. natatakot kayong baka hindi ko alam kung anong gagawin ko. don't worry about me. matanda nako. hindi ko man alam kung anong ginagawa ko, matanda nako para maging responsable sa mga gagawin ko. hindi niyo ako kailangang pagalitan at sabihang kailangan kong pag-isipan ang aking hinaharap dahil alam ko namang pag-isipan ko man ng mabuti, hindi pa rin lalaki ang boobs ko. ang aking hinaharap ay kasing flat pa rin ng tulad nung ako'y high school pa lamang. kaya wala nang saysay ang pag-iisip dito. mangyayari ang mangyayari. darating kung darating. wala na sa aking mga kamay. wag mo akong pagalitan na wala akong plano. dahil meron. plano kong gumawa ng bag na may lining na beige. uunahin ko yung lining para siguradong tama yung sukat ng bag. tsaka ko igagantsilyo yung net sa labas. yung blue na yarn siguro ang gagamitin ko. sana matapos ko before summer ends para masaya ^_^
bat ganun ako ayoko tumagal maxado. mga hanggang 70 lang siguro hahaha kasi iiwanan ka na ng panahon nun eh. sa akin lang ah. di naman ako suicidal so it's all good hehehe
ReplyDeleteako din. ayoko din tumanda pa ng grabe. sabi ni mama, "gusto ko mamatay maaga para pag tinignan kabaong ko ang sasabihin ng mga tao 'ay sayang. bata pa noh?' at hindi 'ay.okay na din yan.mahaba na life nya.' "
ReplyDeletekahit na weird nanay ko, in fairness, nakarelate ako. XD
i've taken the quiz, 88 daw ako mamamatay? hahaha =D i doubt it, sa lifestyle ko pa naman.
ReplyDeleteayoko ring mamatay ng matanda na ako.. pero gusto kong maexperience ang buhay retirado.. yung cruise liner ang inaatupag..
ReplyDeletetara plano tayo.. haha!
sabi ng quiz 98 daw ako mamamatay. ang plano ko, magsstage ako ng grandiose death. tipong pang-headlines. who the hell wants to live up to 98? shet. pero sa bagay...longer time para mangboys...hmmm. XD
ReplyDelete