i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Sunday, April 27, 2008

roll call

yan yata yung tawag kapag nagpapaattendance ang teacher at isa isang tatawagin ang mga enrolled na estudyante. kapag marinig nila ang pangalan nila, either they'll raise their hand, scream "darna!" or stare and smile at the teacher. gawain ko yung huli hahaha! katamad magsalita at magtaas ng kamay eh hahaha!

bukas tatawagin na ang pangalan ko... ano kayang gagawin ko... paano kung matalisod ako... naku! mahaba pa naman ang suot ko at prone to talisod... at siyempre nakahills ako kaya mas mataas ang chances na matalisod ako... ayus! ^_^

~

roll...

gawain ng bola kapag binigyan ng initial push... they roll... gawain din yan ng mga pusa kapag bibigyan mo sila ng mapaglalaruan... bigla na lang hihiga sa sahig at gugulong.  gawain din yan ng  mga batang nagpipiknik sa may sunken. hihiga sila sa gilid at magpapagulong pababa ng slope. ang gulong din pala gumugulong... kaya nga pala gulong ang tawag sa kaniya. dahil gumugulong siya. ang galing!

~

call...

tawag... as in kapag magring yung telepono at inangat mo yung handset. ayun, may tumawag. minsan gawain din yan ng kapitbahay. sisigaw sila para tawagin ka. kapag kakain na, tatawagin ka na para pumunta sa kitchen at kumain. hindi mo magagawa mag-isa ang tawag. kailangan may tumatawag at may tinatawag. hindi tulad ng roll na maaaring gawin kahit mag-isa.

siguro kaya callboy ang tawag sa mga callboy dahil tinatawag sila ng taong tumatawag sa kanila... pero maaari rin yatang sila yung tumatawag at nag-aabang lang sila ng makakarinig at sasagot sa kanilang tawag. tulad kanina, may tumawag sa akin sa may circle. naka yellow shirt na fit. hunk nga eh. broad shoulders at mukhang nakakarami sa bench press araw araw. naka-backpack pa. ready na talagang pumuntang gym. and of course di mawawala ang cool sporty shades ni kuya na nakapatong sa kaniyang ulo na parang headband lang. mapapatingin ka tuloy sa kaniyang buhok na halatang inayos talaga dahil maayos ang pagkakagel. siyempre yun ang napansin ko noh? nagulat nga akong tinawag niya ako. sabi niya "hi ma'am!" haha! natawa naman ako. parang mga crew lang ng mcdo at chowking na sisigawan ka pa talaga kahit nasa loob sila ng kitchen. kulang na lang sabihan ako ni kuya sporty na "thank you come again!" nung linampasan ko na siya. tsk... hindi marunong... hahaha

kapag tatawag kasi, hindi pwedeng binibigla. kailangan kinakaibigan para same level kayo. kapag biglang tatawagin kasi, may gap pa rin. awkward. diba? tsk... sana mabasa ni kuya to para malaman niya ang kaniyang pagkakamali... ayus na sana ang porma eh... mali lang ang approach :p

~

calling...

also known as "purpose in life" haha! gagraduate nako bukas hindi ko pa rin sure kung ito ang calling ko... hay...

ang tanda ko na hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko... >_<

6 comments:

  1. bata pa tayo, laya, bata pa tayo, hahaha!

    ReplyDelete
  2. pag nagkita kayo ulet laya, it's destiny wahahaha..

    ReplyDelete
  3. feeling mo lang yang matatalisod ka haha... na feel ko rin eh...

    congrats laya!

    ReplyDelete
  4. saya talaga ni gel magcomment. "feeling mo lang yan... nafeel ko din." toink.

    ReplyDelete
  5. laya mahilig sa call boy! XD

    ReplyDelete