i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, April 30, 2008

paks... (ifugu and friends.. read)

wala lang talagang magawa...

TAG:
  1. Gel (may kasalanan ka sakin kaya kailangan mong sagutan to haha)
  2. Mavic
  3. Rhea
  4. Chai
  5. Car
  6. Ate Klara
  7. Ade
  8. Alej
  9. Jet
  10. JR
*pano na yan? sino na lang matatag ninyo? hahaha!

The Rules:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.


I got tagged by Nathan

1. graduate nako! woohoo! delayed one whole year. excuse ko lang na transferee ako from elbi pero in reality, i lost the passion tas naging pasaway nako. inaantay ko pa rin na bumalik ang passion... di napipilit eh. babalik rin ng kusa.

2. i rarely wear earrings, bracelets and other accessories. i don't want to give emphasis on parts that i don't want emphasized. low self esteem lang. wag nang kumontra.

3. bawas nako ng isang wisdom tooth. about an hour ang operation. i missed an exam because of that. pero sumasakit pa rin occasionally yung empty space na iniwan niya. parang love quote lang noh. kumikirot para ipaalala sa akin na minsan naroon siya. yak hahaha!

4. umiinom nako ng tubig! pero pinipilit ko pa rin. kung may choice ako, i still prefer iced tea. siyempre mas gusto ko yung gawa mula sa tea bags at hindi yung powder. astig nga recipe ko eh. sa isang baso, 3 calamansi at 3 teaspoons of sugar (1 tsp brown sugar). parang calamansi juice lang na medyo mapakla ^_^ sarap!

5. naglilibot ako sa mall or nagwiwindow shopping pag depressed ako. kapag talagang depressed ako or kapag may inaway ako, may bibilin ako. pero kapag bumibili ako ng bra, nadedepress ako... kasi either super mahal or hindi kasya ang bra na available >_< kainis!

6. laway conscious pa rin ako. pero hindi lang laway. siyempre pati yung dumi galing sa kamay ng kasama ko ayokong mapupunta sa pagkain ko. at dahil malakas ang aking imagination, feeling ko kapag tinuturo ng utensils or ng daliri ang aking pagkain eh napupunta na sa pagkain ko yung nasa pinangtuturo (sorry jet hahaha) pero higit pa dun, ayaw na ayaw kong tumatapat yung kilikili ng waiter sa ibabaw ng plato ko kapag may iaabot siyang pagkain sa aking katabi. nakakawalan ng ganang kumain.

7. nadidistract pa rin ako sa buhok sa ilong

8. kapag tumitingin mga lalaki sa boobs ko, gusto kong sabihin sa kanila, "heller?!?! anong tinitingin tingin mo diyan? fake yan. ang tawag diyan pads at hangin. tumingin ka sa mata ko at hindi sa fake kong boobs." hay...

9. gusto ko ng blueberry cheese cake...

10. i love to jog around the campus. feeling ko kasi mamamatay ako ng maaga kaya kailangan ko ng exercise. cure ko yun sa insomnia (pagod kasi kaya maaga natutulog). anti-depressant ko rin ang jogging dahil people who exercise are happier daw. may hormone ekek kasi whatever. mas maganda din kapag morning mag jog dahil people get depressed when they lack sunlight. so maximize na ang happy formula. jog in the morning. tara! ^_^
(halata bang excuse ko lang yan? actually may love story behind that at hindi niyo na malalaman! hahahaha! joke lang ^_^)

14 comments:

  1. hahahaha! ive learned a lot.. =P

    ReplyDelete
  2. panalo ang bra at boobs section. hehehe. salamat at di mo na nishare yung love story sa pagjog. i have a feeling di rin namin gusto malaman eh. XD

    ReplyDelete
  3. bilang wala na akong itatag for that, pero ok to ah, kung wala ka ngang ginagawa hehehe

    ReplyDelete
  4. pwede ba tong hindi gawin? hahaha =)

    ReplyDelete
  5. mamaya ko nalang gagawin... gutom pa ako weh hehe

    ReplyDelete
  6. hindi ako nagpopost ng mga blog blog ek ek, at dahil sayo, kailangan ko gumawa. ah, sige baguhin natin, para sa 'yo, gagawa ako.

    ReplyDelete
  7. nate, yah... ang dami mo talagang matututunan hahaha

    car, minsan kasi kailangan may secrets pa rin ako para may makukuwento pag nagpapakuwento si kenn. pero yung story naman kasi behind jogging eh nagjojogging kasi kami sa elbi noon. yun na yun. bow hahaha!

    ade, choice mo naman kung gagawin mo o hindi eh... tingnan mo si rhea at si mavic, they chose to do it. ikaw? anong gusto mo? :p

    mavic, kapag nagpost ka na tsaka nako magcocomment ^_^ ahihihihi

    ReplyDelete
  8. naku. kinwento lang din pala. haha

    ReplyDelete
  9. at dahil dey-op ko ang May 1, ako'y babalik sa pagiging insomniac ko ngayon at gagawin ito.nyahahaha.^_^

    ReplyDelete
  10. hay naku si chai nagaapparition na sa multiply. :)

    ReplyDelete
  11. wtf at number 3. hahaha... =)

    yung number 8, naalala ko tuloy nun, bigla na lang kayo tumabi ni ekwish sa amin sa lib, tas nagkwento about iba ibang "sizes." tapos pag size zero, sando na tawag dun sabi niyo. hahahaha! =)

    ReplyDelete
  12. cescua talaga... yun talaga ang naaalala mo sa mga pinag-uusapan natin sa library noh? :p

    ReplyDelete
  13. e matindi talaga memory ko e... noon... ngayon hindi na, nagrust na through the years... parang dati hdd, siya, ngayon pang ram na lang. ahahaha

    ReplyDelete
  14. ahm... laya wala akong time gumawa! ... actually tamad ako hehehe... peace!

    ReplyDelete