from claire bear! haha ^_^ i miss elbi...
Alam mong taga elbi ka kung...
1. Kilala mo si Mang Pogs.
2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga. *nangangawit rin kasi siya minsan... minsan nakataas, minsan nakababa... ngayon di ko na sure*
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa math, stat, chem, physics,eco etc.
5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi. *hahahaha!*
6. Kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas.
7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/ pantulog attire ka.
8. Pag nagtanong si manong driver ng "may animal ba dyan?", at may sumagot ng "meron po" ay di ka natawa.
9. Pag nagtanong uli si manong driver ng "may mens ba dyan?", at may sumagot uli ng "meron po" ay di ka natawa.
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong. *i have friends with large payongs ^_^*
11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight.
12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.
13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
15. Alam mo kung nasaan ang White House.
16. May tanline ka ng tsinelas.
17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa 'heater cup.'
18. Sanay ka maglakad.
19. Thursday night ang gimik night mo.
20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen's Fried Chicken, at Sizzler's ang tinitingalang kainan.
21. Kilala mo sina Saniano Boy at Girl
22. Alam mo kung nasaan ang "Johnson" *bwahahaha! ang slow... junction pala... panahon pa ni nanay yang joke na yan...*
23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.
24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.
25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa. *pegarao po... at hindi pegabao... :P*
26. Alam mong ok lang na pumunta sa Maahas.
27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.
28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek Kwek Tower, at ang Templo ni Bruce Lee. *san yung templo ni bruce lee???*
29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na. *kasi wala ka namang ibang magagawa... so pasok na rin. dala ka na lang ng payong na malaki -sabi ni jed*
30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree. *alam ko rin kung saan sakayan ng jeep papuntang new dorm!!! ^_^*
31. Hindi ka kumakain ng buko pie.
32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel's. *di ako kumakain ng choco cake pero nagpakain ako ng mer-nels nung birthday ko ^_^*
34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park.
35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.
36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.
37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka hang.
38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos. *corny...*
39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw. *di ako nagpapants! shorts pag walang lab bwahahaha!*
40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen's fried chicken sa LB.
41. Apektado ka sa pagsasara ng ic's *talaga sarado na?!?! aww...*
42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta "infirmary" except lang pag kukuha ka ng excuse slip.
43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag's, sa men's dorm, sa faculty village, sa may social garden etc. *tsaka sa room namin sa new dorm... umabot pala ng men dorms yung kwento ng room namin --_--'*
44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).
45. Alam mo na ang tunog ng pillbox.
46. Taga lb ka kapag kilala mo si "manang slow"
47. Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson's. ha? Bakit? Dinemolish? *oo nga, sarado na???*
48. Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.
49. Kaya mong i-identify ang species at subspecies ng bawat punong nadadaanan mo. *di na kailangan... yung kasama ko na ang nagsasabi sa akin
50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang st. therese from Hum ay ang dirt road. *yup... papuntang math bldg na bulok ^_^*
51. Taga-elbi ka kapag alam mo kumbaket maraming natatalisod sa raymundo gate. *bwahahaha! isa ako dun ^^ pero nakalimutan ko kung bakit...*
52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom.hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom. hindi mo na rin minsan kailangan ng baso.
53. Alam mo kung nasaan ang Soils
No comments:
Post a Comment