i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, April 30, 2008

paks... (ifugu and friends.. read)

wala lang talagang magawa...

TAG:
  1. Gel (may kasalanan ka sakin kaya kailangan mong sagutan to haha)
  2. Mavic
  3. Rhea
  4. Chai
  5. Car
  6. Ate Klara
  7. Ade
  8. Alej
  9. Jet
  10. JR
*pano na yan? sino na lang matatag ninyo? hahaha!

The Rules:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.


I got tagged by Nathan

1. graduate nako! woohoo! delayed one whole year. excuse ko lang na transferee ako from elbi pero in reality, i lost the passion tas naging pasaway nako. inaantay ko pa rin na bumalik ang passion... di napipilit eh. babalik rin ng kusa.

2. i rarely wear earrings, bracelets and other accessories. i don't want to give emphasis on parts that i don't want emphasized. low self esteem lang. wag nang kumontra.

3. bawas nako ng isang wisdom tooth. about an hour ang operation. i missed an exam because of that. pero sumasakit pa rin occasionally yung empty space na iniwan niya. parang love quote lang noh. kumikirot para ipaalala sa akin na minsan naroon siya. yak hahaha!

4. umiinom nako ng tubig! pero pinipilit ko pa rin. kung may choice ako, i still prefer iced tea. siyempre mas gusto ko yung gawa mula sa tea bags at hindi yung powder. astig nga recipe ko eh. sa isang baso, 3 calamansi at 3 teaspoons of sugar (1 tsp brown sugar). parang calamansi juice lang na medyo mapakla ^_^ sarap!

5. naglilibot ako sa mall or nagwiwindow shopping pag depressed ako. kapag talagang depressed ako or kapag may inaway ako, may bibilin ako. pero kapag bumibili ako ng bra, nadedepress ako... kasi either super mahal or hindi kasya ang bra na available >_< kainis!

6. laway conscious pa rin ako. pero hindi lang laway. siyempre pati yung dumi galing sa kamay ng kasama ko ayokong mapupunta sa pagkain ko. at dahil malakas ang aking imagination, feeling ko kapag tinuturo ng utensils or ng daliri ang aking pagkain eh napupunta na sa pagkain ko yung nasa pinangtuturo (sorry jet hahaha) pero higit pa dun, ayaw na ayaw kong tumatapat yung kilikili ng waiter sa ibabaw ng plato ko kapag may iaabot siyang pagkain sa aking katabi. nakakawalan ng ganang kumain.

7. nadidistract pa rin ako sa buhok sa ilong

8. kapag tumitingin mga lalaki sa boobs ko, gusto kong sabihin sa kanila, "heller?!?! anong tinitingin tingin mo diyan? fake yan. ang tawag diyan pads at hangin. tumingin ka sa mata ko at hindi sa fake kong boobs." hay...

9. gusto ko ng blueberry cheese cake...

10. i love to jog around the campus. feeling ko kasi mamamatay ako ng maaga kaya kailangan ko ng exercise. cure ko yun sa insomnia (pagod kasi kaya maaga natutulog). anti-depressant ko rin ang jogging dahil people who exercise are happier daw. may hormone ekek kasi whatever. mas maganda din kapag morning mag jog dahil people get depressed when they lack sunlight. so maximize na ang happy formula. jog in the morning. tara! ^_^
(halata bang excuse ko lang yan? actually may love story behind that at hindi niyo na malalaman! hahahaha! joke lang ^_^)

gupit

bakit ganun... kasi may kaibigan ako noon na mahaba ang buhok tas biglang nagpagupit. tas ang unang tanong ng isa pa naming kaibigan, "depressed ka? may problema ka? ok ka lang?" so hindi na ba pwedeng magpalit ng hair style na walang rason?

haha!

bakit ganun, kapag ginugupit ko kuko ko di naman pinapansin ng mga tao... napapansin lang pag mahaba...

masakit pa rin minsan ngipin ko... di ko alam bakit...

ang dami ko pa talagang di alam. parang sayang ang edukasyon, kulang pa rin ang pinag-aralan ko...

Tuesday, April 29, 2008

Easy Soap Making Recipes

http://www.teachsoap.com/recipes.html#luster
dahil nagmamahal na ang mga bilihin, wag nang bumili. gumawa na lang ^_^

happy bday charito planas




at dahil tungkol sa tubig ulan ang kaniyang proyekto, kami ay inulan! yeyness...

tama siya, kailangan ipunin ang tubig ulan para di masayang. pero sabi i nanay, konti lang ang naiipong tubing ng maliit na well na yun. dapat saluhin yung tubig na bumabagsak mula sa bubong para marami! diba? haha! tas ipangdilig in the future... ^_^

nag-increase din kasi ang hotness level ng kontra kaya kailangan ulanin

comment lang sa performance, kulang sa stage pressence haha! kapag nasa harap ng audience, ayusin ang kilos dahil hindi to rehersal, performance ito. diba?

Sunday, April 27, 2008

roll call

yan yata yung tawag kapag nagpapaattendance ang teacher at isa isang tatawagin ang mga enrolled na estudyante. kapag marinig nila ang pangalan nila, either they'll raise their hand, scream "darna!" or stare and smile at the teacher. gawain ko yung huli hahaha! katamad magsalita at magtaas ng kamay eh hahaha!

bukas tatawagin na ang pangalan ko... ano kayang gagawin ko... paano kung matalisod ako... naku! mahaba pa naman ang suot ko at prone to talisod... at siyempre nakahills ako kaya mas mataas ang chances na matalisod ako... ayus! ^_^

~

roll...

gawain ng bola kapag binigyan ng initial push... they roll... gawain din yan ng mga pusa kapag bibigyan mo sila ng mapaglalaruan... bigla na lang hihiga sa sahig at gugulong.  gawain din yan ng  mga batang nagpipiknik sa may sunken. hihiga sila sa gilid at magpapagulong pababa ng slope. ang gulong din pala gumugulong... kaya nga pala gulong ang tawag sa kaniya. dahil gumugulong siya. ang galing!

~

call...

tawag... as in kapag magring yung telepono at inangat mo yung handset. ayun, may tumawag. minsan gawain din yan ng kapitbahay. sisigaw sila para tawagin ka. kapag kakain na, tatawagin ka na para pumunta sa kitchen at kumain. hindi mo magagawa mag-isa ang tawag. kailangan may tumatawag at may tinatawag. hindi tulad ng roll na maaaring gawin kahit mag-isa.

siguro kaya callboy ang tawag sa mga callboy dahil tinatawag sila ng taong tumatawag sa kanila... pero maaari rin yatang sila yung tumatawag at nag-aabang lang sila ng makakarinig at sasagot sa kanilang tawag. tulad kanina, may tumawag sa akin sa may circle. naka yellow shirt na fit. hunk nga eh. broad shoulders at mukhang nakakarami sa bench press araw araw. naka-backpack pa. ready na talagang pumuntang gym. and of course di mawawala ang cool sporty shades ni kuya na nakapatong sa kaniyang ulo na parang headband lang. mapapatingin ka tuloy sa kaniyang buhok na halatang inayos talaga dahil maayos ang pagkakagel. siyempre yun ang napansin ko noh? nagulat nga akong tinawag niya ako. sabi niya "hi ma'am!" haha! natawa naman ako. parang mga crew lang ng mcdo at chowking na sisigawan ka pa talaga kahit nasa loob sila ng kitchen. kulang na lang sabihan ako ni kuya sporty na "thank you come again!" nung linampasan ko na siya. tsk... hindi marunong... hahaha

kapag tatawag kasi, hindi pwedeng binibigla. kailangan kinakaibigan para same level kayo. kapag biglang tatawagin kasi, may gap pa rin. awkward. diba? tsk... sana mabasa ni kuya to para malaman niya ang kaniyang pagkakamali... ayus na sana ang porma eh... mali lang ang approach :p

~

calling...

also known as "purpose in life" haha! gagraduate nako bukas hindi ko pa rin sure kung ito ang calling ko... hay...

ang tanda ko na hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko... >_<

Monday, April 14, 2008

unemployed

clearance/grad stuff
probset sa rsrc (organic)
simba (kailangang magpasalamat sa blessings hahaha)
bili ng off-white dress ^_^
hanap ng trabaho
hay...

malapit nakong mapasali sa mga unemployed! yeba!

Sunday, April 13, 2008

payat

*this entry may have content that is not suitable for minors. parental guidance is recommended*

narealize ko lang... tatlong araw nakong hindi nagkakaroon ng matinong bowel movement. nakakalimutan na kasing kumain. tuloy tuloy kasi sa pag-gawa, nakakaligtaan nang mapansin ang kumakalam na tiyan.

ang galing! kapag hindi ka pala kumakain, hindi ka rin majejebs XD waw! what an amazing realization!

hindi pa wakas... windang na agad ako sa board exams... nakakahilo ang review sessions namin!!! 4 hours of lecture... hahaha! nakakahilo...

siguro naman papasa na ako sa boards noh? sayang naman ang inaral sa college kung di ka rin pala papayagang tumuloy sa pagtatrabaho hahahaha!

Thursday, April 10, 2008

sunflower

pumasa ako sa mga removals ko!!! yebah!!!

bukas na malalaman kung anong magiging huling hatol...
.
..abangan!

if you don't hear from me again, i've probably commited suicide using sunflower stems as whips, causing myself to bleed to death... pwede rin sigurong try kong kainin na lang sila para machoke ako tas di na makahinga... waw... death by sunflower... that's a nice title for an urban legend... ang babaeng nagsuicide dahil hindi napabind ang thesis. naks! ^_^

extended extended deadline na bukas... so i'm dead hahahahahahaha!!!

nababaliw nako...

waaaa....

hexane and ethyl acetate talaga... ang laking epekto sa akin XD

Sunday, April 06, 2008

i miss elbi

from claire bear! haha ^_^ i miss elbi...


Alam mong taga elbi ka kung...

1. Kilala mo si Mang Pogs.

2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga. *nangangawit rin kasi siya minsan... minsan nakataas, minsan nakababa... ngayon di ko na sure*

3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.

4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa math, stat, chem, physics,eco etc.

5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi. *hahahaha!*

6. Kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas.

7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/ pantulog attire ka.

8. Pag nagtanong si manong driver ng "may animal ba dyan?", at may sumagot ng "meron po" ay di ka natawa.

9. Pag nagtanong uli si manong driver ng "may mens ba dyan?", at may sumagot uli ng "meron po" ay di ka natawa.

10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong. *i have friends with large payongs ^_^*

11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight.

12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.

13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.

14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.

15. Alam mo kung nasaan ang White House.

16. May tanline ka ng tsinelas.

17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa 'heater cup.'

18. Sanay ka maglakad.

19. Thursday night ang gimik night mo.

20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen's Fried Chicken, at Sizzler's ang tinitingalang kainan.

21. Kilala mo sina Saniano Boy at Girl

22. Alam mo kung nasaan ang "Johnson" *bwahahaha! ang slow... junction pala... panahon pa ni nanay yang joke na yan...*

23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.

24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.

25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa. *pegarao po... at hindi pegabao... :P*

26. Alam mong ok lang na pumunta sa Maahas.

27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.

28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek Kwek Tower, at ang Templo ni Bruce Lee. *san yung templo ni bruce lee???*


29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na. *kasi wala ka namang ibang magagawa... so pasok na rin. dala ka na lang ng payong na malaki -sabi ni jed*

30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree. *alam ko rin kung saan sakayan ng jeep papuntang new dorm!!! ^_^*

31. Hindi ka kumakain ng buko pie.


32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.

33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel's. *di ako kumakain ng choco cake pero nagpakain ako ng mer-nels nung birthday ko ^_^*

34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park.

35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.

36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.

37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka hang.

38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos. *corny...*

39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw. *di ako nagpapants! shorts pag walang lab bwahahaha!*

40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen's fried chicken sa LB.

41. Apektado ka sa pagsasara ng ic's *talaga sarado na?!?! aww...*

42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta "infirmary" except lang pag kukuha ka ng excuse slip.

43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag's, sa men's dorm, sa faculty village, sa may social garden etc. *tsaka sa room namin sa new dorm... umabot pala ng men dorms yung kwento ng room namin --_--'*

44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).

45. Alam mo na ang tunog ng pillbox.


46. Taga lb ka kapag kilala mo si "manang slow"

47.
Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson's. ha? Bakit? Dinemolish? *oo nga, sarado na???*

48. Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.

49. Kaya mong i-identify ang species at subspecies ng bawat punong nadadaanan mo. *di na kailangan... yung kasama ko na ang nagsasabi sa akin

50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang st. therese from Hum ay ang dirt road. *yup... papuntang math bldg na bulok ^_^*

51.
Taga-elbi ka kapag alam mo kumbaket maraming natatalisod sa raymundo gate. *bwahahaha! isa ako dun ^^ pero nakalimutan ko kung bakit...*

52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom.hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom. hindi mo na rin minsan kailangan ng baso.


53. Alam mo kung nasaan ang Soils