i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, May 02, 2007

stalker

maraming salamat sa friendster dahil binibigyan mo ng pag-asa ang mga stalker! hangga't alam naming mga stalker ang una't huling pangalan o kaya'y ang email address ng aming stalkees, madali na lang naming malalaman ang mga kaganapan sa buhay ng aming mga isinostalk! ^_^ mabuhay ka friendster!

~

what you don't know won't hurt you... malas ko, nabasa ko ang di ko dapat basahin. nalaman ko ang di ko dapat malaman. pero wala pa rin akong alam dahil ang salita ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan. maaaring tinatakot ko lang ang sarili ko at pinipiling isipin ang mga bagay na lalung nakakasakit... ang tanong, bakit ako nasasaktan???

~

should i talk to you to clear things out? i'd be making a complete fool of myself (as if di ako nagpapakabaliw ngayon noh?). mapride lang talaga ako kaya ayoko ng diretsong pag-uusap. i'd rather be vague than be direct and admit that i've been viewing your profile, reading your testimonials, and reading your past bulletins. i'm not obsessed... hahaha! wala lang akong magawa... i just love making background checks on my new friendsters. believe me, i do it every time i'm added by a person.

nagulat naman ako ngayon na binura mo bigla ang mga testi na "controversial" para sa akin... hay... pero di ko pa rin talaga magagawang kausapin ka tungkol dito dahil masyado nang mahahalatang binibigyan kita ng oras... malalaman mo nang naaapektuhan ako kahit sinasabi kong wala akong pakialam sayo...

shit... i'm making a fool of myself again... sadyang selosa lang talaga ako... shit...

Tuesday, May 01, 2007

joke

siguro di lang talaga obvious pagnagjojoke lang ako... kaya nagiging malabo ang mundo ko... para lang yung incident na may nagjoke sakin na "liligawan na kasi kita, sagutin mo nako" kasi joke lang siya diba. naisip ko naman na since hindi siya supposedly serioso dun, and we openly talk about the impossibility of us being a couple ever, kala ko ok lang na magjoke na rin ako about these things with him. i thought he wouldn't take me seriously since he doesn't make it seem like he's that kind of guy who actually cares about these things. kala ko wala lang to sa kaniya... but no... there was something in the way he reacted that made me think that he thought i was serious...

ang galing niya... kasi my jokes are almost always half meant... shit...

buking nanaman ba ako?

shit... he started it >_<

quotes

galaw-galaw! baka langgamin!

Monday, April 30, 2007

malabo

minsan akala mo alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
minsan akala mo sigurado ka na
minsan sigurado ka nang ikaw ang tama
minsan ikaw pa rin pala ang mali
minsan malabo ang mundo
ay mali... malabo naman pala talaga ang mundo bago mo pa maisip na malabo pala ito...
at minsan ikaw pa ang nagpapalabo dito dahil minsan, akala mo ikaw ang tama, akala mo ikaw lang ang may karapatang magalit, akala mo lahat sila ay kaaway mo... yun pala, tanga ka lang dahil nagpadala ka sa iyong emosyon... dahil sa walang kwenta mong emosyon, naapektuhan ang iyong rasyonalidad. kaya nga nasa itaas ang utak dahil ito dapat ang magpasimuno at hindi ang puso na madaling madala ng maraming ilusyong gawa ng mundong malabo...

shet depressed nanaman ako...

hobby ko lang sigurong magmukhang tanga noh?

pangit pa ng ginawa naming hydrogel... :( so sad talaga

~

vague... and blurred... welcome to my life