i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, May 02, 2007

stalker

maraming salamat sa friendster dahil binibigyan mo ng pag-asa ang mga stalker! hangga't alam naming mga stalker ang una't huling pangalan o kaya'y ang email address ng aming stalkees, madali na lang naming malalaman ang mga kaganapan sa buhay ng aming mga isinostalk! ^_^ mabuhay ka friendster!

~

what you don't know won't hurt you... malas ko, nabasa ko ang di ko dapat basahin. nalaman ko ang di ko dapat malaman. pero wala pa rin akong alam dahil ang salita ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan. maaaring tinatakot ko lang ang sarili ko at pinipiling isipin ang mga bagay na lalung nakakasakit... ang tanong, bakit ako nasasaktan???

~

should i talk to you to clear things out? i'd be making a complete fool of myself (as if di ako nagpapakabaliw ngayon noh?). mapride lang talaga ako kaya ayoko ng diretsong pag-uusap. i'd rather be vague than be direct and admit that i've been viewing your profile, reading your testimonials, and reading your past bulletins. i'm not obsessed... hahaha! wala lang akong magawa... i just love making background checks on my new friendsters. believe me, i do it every time i'm added by a person.

nagulat naman ako ngayon na binura mo bigla ang mga testi na "controversial" para sa akin... hay... pero di ko pa rin talaga magagawang kausapin ka tungkol dito dahil masyado nang mahahalatang binibigyan kita ng oras... malalaman mo nang naaapektuhan ako kahit sinasabi kong wala akong pakialam sayo...

shit... i'm making a fool of myself again... sadyang selosa lang talaga ako... shit...

No comments:

Post a Comment