minsan akala mo alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
minsan akala mo sigurado ka na
minsan sigurado ka nang ikaw ang tama
minsan ikaw pa rin pala ang mali
minsan malabo ang mundo
ay mali... malabo naman pala talaga ang mundo bago mo pa maisip na malabo pala ito...
at minsan ikaw pa ang nagpapalabo dito dahil minsan, akala mo ikaw ang tama, akala mo ikaw lang ang may karapatang magalit, akala mo lahat sila ay kaaway mo... yun pala, tanga ka lang dahil nagpadala ka sa iyong emosyon... dahil sa walang kwenta mong emosyon, naapektuhan ang iyong rasyonalidad. kaya nga nasa itaas ang utak dahil ito dapat ang magpasimuno at hindi ang puso na madaling madala ng maraming ilusyong gawa ng mundong malabo...
shet depressed nanaman ako...
hobby ko lang sigurong magmukhang tanga noh?
pangit pa ng ginawa naming hydrogel... :( so sad talaga
~
vague... and blurred... welcome to my life
No comments:
Post a Comment