dear tito, kamusta ka na diyan? hindi man tayo naging close, hindi man kita nakilala personally, kilala pa rin kita. kahit papaano naapektuhan buhay ko dahil sa inyo. kayo ang sumundo sa akin mula sa market market nung araw na bumisita sa atin si ondoy. hindi ko maalala kung sapat na ang pagpapasalamat ko sa inyo dahil kinupkop ninyo ako nung wala akong ibang mapuntahan. hindi naman mangyayari yun kung hindi ko kilala ang inyong anak, pero hindi ko makikilala ang inyong anak kung di dahil sa inyo.
i knew your son, feeling ko tuloy kilala ko na kayo. sa mga kwento kasi niya, parang nagkukuwento lang ang anak ninyo tungkol sa sarili niyang buhay. pakiramdam ko talaga pareho kayong dalawa, yun nga lang mas macho at mas gwapo kayo kesa sa kaniya. haha.
i can't tell you that i will miss you. honest lang haha. pero nakakapanghinayang na pwede ko pa kayong makilala kung may panahon lang sana. nalulungkot talaga akong kailangan niyo nang umalis. pero ganyan talaga ang buhay, may wakas.
i can't promise you anything kasi sino ba naman ako. hamak na ex gf lang ako ng anak ninyo. ayokong makialam sa buhay ng pamilyang iniwan ninyo kasi wala ako sa pusisyong gawin yun. di naman ako parte ng pamilya. pero kung may kailangan sila at may kakayahan akong tulungan sila, susubukan kong tumulong. basta nandito lang ako. laging handa, parang girl scout lang haha
No comments:
Post a Comment