i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Tuesday, May 29, 2007

wish

kung magkakaroon ako ng super powers, gusto kong mabasa ang isip ng mga tao. gusto kong makita kung ano ang iniisip nila para malaman ko naman kung tama ang ginagawa ko. baka akala ko lang masaya sila, yun pala, peke ang ngiti niya. gusto kong makasigurong wala akong dapat ikatakot, na wala siyang tinatagong sama ng loob. para ok lang kahit may mga taong hindi diretsong magsalita. kahit magulo't malabo sila, malalaman ko kung ano talagang balak nila. para kahit masakit para sa akin ang mga iniisip nila, masasaktan din naman ako eventually kaya ok lang na malaman ko ng mas maaga, diba? gusto kong malaman ang iniisip nila para malaman ko kung paano kikilos. gusto kong matutunan kung paano sila mag-isip para di ako nangangapa. well... joke lang yan lahat... hahaha!

gusto kong makabasa ng isip para naman pumasa na ako sa lahat ng subjects ko... babasahin ko lang ang isip ng katabi kong matalino para sigurado na akong papasa ako ^_^

pakshet! removals na bukas... T_T

2 comments:

  1. ako gusto ko yung super power na magpapatigil ng oras para tumigil lahat ng bagay sa mundo. para pag wala na ko masagot hahanapin ko lang sa book para sure. wahehe.pde ko pa mayakap crush ko. wahaha

    ReplyDelete
  2. napakainam... ang hirap ng removals --_--'
    hay... inna!! sana nga may powers ako... tinatamad nakong umulit... T_T

    bahala na next week! sanaaaaaa sana sumabit...

    ReplyDelete