i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, February 28, 2007

wednesday

today is nice day wednesday. it's just a way to promote the good vibes. flash a smile, share a seat, help a friend, and all that perky happy stuff... so sige, gumising ako kaninang umaga aiming to help everyone i will be able to see today.

1. gumising ako ng maaga para tulungan yung isang studyanteng walang flash drive. she emailed her presentation to me tapos ilalagay ko sa flash drive ko at ipapahiram sa kaniya. 8am ang klase nila. kamusta naman, 7:45 nako nagising. err... tapos ang mas malungkot pa dun, hindi gumagana yung powerpoint niya. for some reason it won't open. so next week na lang siya magrereport. in short, hindi ko siya natulungan.


2. pinahiram ko yung chem book ko sa isang kaibigan ko kasi kailangan niya. nabigay ko naman at thankful siya. sobra. pero ang masama, kaya ko lang naman yun napahiram kasi nagdrop ako sa subject. grabe!!! it's always depressing to drop a subject. other than sayang sa pera at oras, it's like surrendering to your enemy. grabe. un lang, ang lungkot kahit natulungan ko siya.

3. before going home, dumaan akong jolibee. eh kasi malungkot nga ako kaya kailangan ko ng ice cream. but no, wala yung gusto kong flavor ng ice craze nila. sawa nako sa ice cream. so nag burger steak na lang ako. tapos siyempre plus P10 for the iced tea. di ko naubos yung iced tea kaya iniinom ko siya habang nagtitingin ako sa ukay. tapos may bigla akong naramdamang humahaplos sa aking braso. kinilabutan ako! yun yung tipong haplos na ang manyak ng dating. kadorks! kinilabutan ako! at pagtingin ko pa sa gilid, matandang mama ang nasa tabi ko. muntik nakong magfaint! sexual harassment! hay... kahit friends ko di ko pinapayagang ganunin ako. waaa... hiningi niya yung iced tea ko. binigay ko just because i lost the capability to think straight. grabe.... tutulong na nga lang ako sa tao eh yung mapipilitan pa... and i don't think i'm helping him. kasi nanghihingi siya at napipilitan lang ako. hay... oh well...

paguwi ko, natulog lang ako. nasayang ang wednesday ko... at least marami pa rin akong napasaya today ^_^ and there's always next wednesday, except that next wednesday i'd be cramming for my own undergrad seminar.. brr...

go wednesdays.... they're always soooo colorful

No comments:

Post a Comment