Friday, February 09, 2007
chika
girl: nanakawan kami kaninang madaling araw...
boy: talaga? bakit?
girl: kasi naisip ng magnanakaw na "uy! gusto kong magnakaw!" kaya umakyat siya ng puno ng bayabas, tumalon sa bubong, dumaan sa aming balcony, pumasok sa nakalimutang i-lock na pintuan papasok sa kuwarto ko, linampasan ang kama ko kung saan easy access ang bag ko at kung saan nakadapa ako't malalim ang pgkakatulog, kinuha ang bag ng kapatid ko, lumabas ng kuwarto at pumunta sa kuwarto ni lola, kinuha ang bag ni lola, umakyat ulit sa kuwarto namin, lumabas at umuwi na. ayan, masaya na ang magnanakaw.
boy: talaga? walang nanakaw sayo?
girl: wala... ang chaka kasi ng bag ko, parang basura lang... buti na lang... di ko nga feel na may magnanakaw. ang taray ko pa nga kanina dahil bagong gising. parang walang nangyari. nag-internet pa ako tapos natulog ulit bago magklase. nanaginip pa nga ako eh.
boy: tungkol saan naman yan panaginip mo?
girl: sikret!
boy: naku, tungkol sa lalaki yan noh? secret kasi eh...
girl: ang yabang mo! hay.. pero oo nga noh.. shet! ako lang babae sa panaginip ko! nandun pa nga yung dati kong ka-MU
boy: alam mo ibig sabihin niyan? kailangan mo na magkaboyfriend
~
ok, so malandi na ako... pero never pa akong magkaboyfriend. labo ba? ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment