i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Friday, July 02, 2010

weng weng

dearest vp binay, hindi ko naiintindihan kung bakit hindi ka sang-ayon sa pag-ban sa maling pag-gamit ng siren. siguro hindi ka nakakarelate kasi may driver ka. hindi nangyari sayong nagulat ka, nagpanic, di mo alam kung paano ka tatabi dahil masikip kasi ang kalye at dahil baguhan ka pa sa pagmamaneho. tapos pag makita mo na kung saan galing yung nakakatakot na sirenang naririnig mo sa likod mo, yung congressman lang palang nagmamadaling umuwi dahil sira ang tiyan niya at tinatawag na siya ng inidoro.

sabi mo, ok lang sayo yung batas. yun nga lang, "i just want them not to totally ban sirens and qualify when it should be used by VIP's and public officials" (from inquirer's article) so sino lang dapat ang may wang-wang ban? yung mga officials na late gumigising at gumagamit ng wangwang dahil nagmamadali sila. so, mr. vice president, how would we know kung sino sila? when you were makati's mayor you said that you used your wang wang. and where could you possibly be going that you'd need to be protected by your wang wang? a crime scene? bakit, pulis ka ba? fire? bakit, bumbero ka ba? an official meeting? excuse me, kung ayaw mong malate, gumising ka ng maaga.

hindi lang kayo ang inaatake ng sakit ng tiyan. hmph...

~

natatakot pa rin ako minsan magdrive sa commonwealth, lalu na pag malapit na sa sandigan. ang daming bully na big cars. singit ng singit. pushing me to the side. nakakainis >_< i feel so small... i hope they're reminded that they are public servants. we do not exist to serve them, they're the ones who were meant to serve the people.

~

ayaw yata ni binay na matraffic siya. well, then, fix the roads. naliliitan ka sa office space ng vice president? then step down. matuto ka sana makisama. respetuhin mo naman ang presidente. pwede?

2 comments:

  1. likkkkkkkkeeeeeeeee! hahahahaha...

    ReplyDelete
  2. ang yabang kasi ni binay. maliit daw office niya at malaki ang upuan, maliit ang budget, gusto niya sa dilg. hay nako! ang hilig magreklamo. na-late pa dun sa inauguration >_< anong klaseng vice president ba yan... simula pa lang hindi na marunong rumespeto sa presidente...

    naaawa ako kay noynoy. sinusubukan niyang puksain ang corruption at ang bise presidente hindi siya totally sinusuportahan...

    alam naman ng mga taga makati na nangungurakot si binay. haaaaayyyy nakooooooo~ sana maging matino si binay. sana hindi niya ipa-assasinate si noynoy.

    ReplyDelete