ako: anong nangyari? diba panaginip lang yun?
ikaw: ah, oo, panaginip lang yun! haha!
ako: talaga? kaya pala malabo. haha. eh ngayon hindi na panaginip?
ikaw: hindi na. totoo na to. nararamdaman mo naman ako diba? *poke poke*
ako: oo nga. panaginip lang yung kanina. ngayon reality na. haha
parang tanga lang. feel na feel ko talaga. paniwalang paniwala akong totoo ang nangyayari. kung saan saan pa naglibot. daming taong nasalubong. may naka-away pa ako nung nakapila sa tindahan ng frozen yogurt. hay nako... medyo matagal bago ako nagising sa katotohanan, literally :p
craving for frozen yogurt... dahil hindi ko nakain ang binili mo para sa akin dun sa panaginip ko... XD
No comments:
Post a Comment