kapag maging presidente ako, o mayor, gagawa ako ng batas na magbabawal sa mga taong maglugay kung sila ay may mahabang buhok. lalu na kung nakasakay ka sa jeep, malakas ang hangin at nasa likod mo ako, kung ayaw mong putulin ko ang buhok mong bagong relax, itatali mo ito.
mahirap bang intindihin na may air resistance ang buhok kaya linilipad ito tuwing nahahanginan? at mahirap bang isipin na kahit manipis sila, kapag humataw ito sa balat, masakit talaga. 'te masakit po. para akong linalatigo ng iyong matigas na buhok. sa bawat hampas gusto kong sumigaw. gusto ko nang maglabas ng blade para aahitin ko na ang buhok mo. malas ko kasi maikli ang buhok ko. hindi ako makakaganti. hindi ko mapaparamdam sayo ang hapding nararamdaman ko sa tuwing iihip ang hangin. sana pala binigay ko sayo yung panali kong nakatago lang. mas magagamit mo pa yun kesa sakin.
i really hope people would learn to be more considerate. buti na lang hindi ako nasugatan ng matalim na buhok ni ate. buti na lang, kasi kung hindi, baka talaga naglabas na ako ng gunting at biglang maging parlorista ako ng di oras. haaaaaaayyyyyyy
sabunutan mo
ReplyDeletehahaha. nagaganyan dn ako mnsan. haha. i prefer to look in the opposite direction n lng. hahaha. usually ang gngwa nila hnahawi nila papunta sa harap at hnahawakan n lng nila. haha.
ReplyDeleteay, guilty ako dyan. pero hinahawakan ko naman. aksidente lang minsan may nakakawala.
ReplyDeletemeron dati, nakalugay ako, diko napansin may nakawala, yung manong sa tabi ko inabot sakin yung buhok ko na tumama yata sa kanya at sabi "miss yung buhok mo o"
>_
bwahahahaha!!! chai talaga... dapat pala ginawa ko un sa girl sa harap ko. meron pa kasing isang beses sa MRT yung girl sa tabi ko tuwang tuwa i-flip ang buhok niya. Hindi niya napansin na siksikan sa MRT at parang deliberately pa niyang pinapatama sa shoulder ko yung buhok niyang pagkatigas-tigas. siyempre di naman niya sinadya. Napapatalon pa nga ako tuwing tatama sakin, pero di niya napansin. masakit eh... literal. hahahaha
ReplyDeletehaha, naiimagine kitang napapatalon konti tuwing tumatama sayo yung hair nung girl. baka naman kasi bagong rebond kaya feel na feel i-flip ang hair. nakakagulat kaya pag may something hairy/hair-like na bigla tatama sayo.baka spider or higad!>_
ReplyDelete