i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Thursday, June 18, 2009

lab ko to

hindi masusukat sa lebel ng teknolohiya ang kagandahan ng laboratoryo. ang sabi pa nga ng consultant namin, baligtad. hindi dahil high tech eh magaling ka na. a great chemist would be able to obtain accurate results without having to use high tech equipment. cheap yet accurate. gandang motto. sabi ng consultant namin, mahal kasi ang labor sa ibang bansa kaya gusto ng mga kumpanya mabilis ang trabaho kaya bibili sila ng equipment na magpapabilis ng trabaho. sabi ko naman, "aaaaahhhhhh......" so hindi naman pala pangit ang lab namin... haha! di namin kailangan ng HPLC :D

nagrerebelde ang lab namin ngayon. una nasira yung tubo sa labas ng lab kaya di kami makapag-hugas ng glasswares sa usual sink namin. hassle talaga haha. nung isang araw nasira yung distillation apparatus nung pang test namin ng crude protein. about 50% yun ng analysis namin. so ayun lahat ng raw materials pinapasok na sa production at hindi na tinetest hahaha! swerte naman ng mga supplier na may mga bulok na products. pasado agad. haha. kanina naman nasira yung gilingan! waaaa...... eh lahat ng samples namin ginigiling bago i-test. in short wala na kaming gagawin XD

joke lang... nageencode ako ng data na isusubmit ko sa head ng production. quality control kasi diba. hindi lang puro analysis, may pagtatype rin na nagaganap. ngayon ko lang narealize na namiss ko pala ang mag-type. i love hearing the keyboard whenever i type. fyi, 40+ words per minute daw ako sabi nung sa dati kong trabaho (kaya nga ako natanggap bilang sales admin assistant diba. type lang ng type haha) ang saya magtype ^_^

next week ayus na yung buchi (yung pang kjeldahl/protein analysis) at matatambakan na kami ng itetest na raw materials! whee! how exciting...

~

wala kasing tao sa lab at may internet connection. sayang naman kung di ako mag post ng blog entry :p hehehe... wag niyo na lang ako sumbong sa boss ko

1 comment:

  1. teka, weird moment.. namiss ko ang mag-lab...

    go lang ng go sa pagkakataon na makapag post ng entry!hahaha

    ReplyDelete