i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Tuesday, October 14, 2008

eytiyist

diba kapag atheist hindi necessary na masama kang tao? it just means you don't believe in God or you don't believe in any religion. siyempre may mas technical na definition pero diba hindi ibig sabihin niyan sinasamba mo ang devil kasi in the first place hindi ka naniniwala sa devil kasi ang devil ay counterpart ni God. so neutral ka. so hindi ka evil. ewan... haha! hindi ako atheist pero hindi ko lang maisip na kaya mabait ang tao dahil naniniwala sila sa Diyos. pwede ka naman maniwala sa Diyos pero masama ka pa rin. kaya pwede rin hindi maniwala pero mabait pa rin. diba?

nahihilo kasi ako... trying hard lang gamitin ang utak para lalung mahilo... magfafaint nako... *faints*

~

ang dami ko nang namimiss... nakakainis

16 comments:

  1. haha. onga, pero mas nalilink kasi un pagiging mabait sa paniniwala sa Diyos or sa isang supreme being dahil may certain guidelines ang mga religions na nagsasabing mabait ka pag sinunod mo un.:D

    ReplyDelete
  2. mabait nga according to the rules pero diba parang ang plastic ng dating? ginagawa mo lang yun dahil nasa rules at hindi dahil genuinely mabait ka? wala lang hehehe... pero gets ko point mo ^_^ mahirap rin kasi isipin na magiging mabait ang tao kahit walang magsabi sa kaniya hehe...

    ReplyDelete
  3. kaya lang na-associate ang pagiging mabait sa religion kasi it's one of the ways you can learn what is right and wrong. paano ka nga naman magiging mabait kung hindi mo alam ang difference? nasanay lang ang tao na sa religion nila natututunan ito.. pero pwede rin naman sa iba, katulad ng laws, etc..

    ok lang na mag-isip ng ganyan, para ma-exercise ang brain haha

    ReplyDelete
  4. meron ding "good manners and right conduct" na subject. hindi naman religion based yun diba? meron ding tinatawag na etiquette... and philosophy... naiinis lang ako sa mga plastic na mga taong gumagamit ng religion para iangat ang sarili nila dahil mas mabait sila kuno hahaha!

    naeexercise ko naman utak ko noh... araw araw iniisip ko kung anong uulamin ko. pinakamahirap pag-isipan kung anong susuotin ko. hahaha! miss ko na ang up... miss ko na ang "seriosong" usapan

    ReplyDelete
  5. sus eh bago tawaging GMRC yun eh CLE ang pangalan... Christian Living Education.. pinalitan lang para di biased... tsk.. kahit naman gaano pa "kabanal" ang tao, obvious naman kung masasama sila.. for example, mahilig magsimba si GMA... wahahahaha

    ReplyDelete
  6. walang taong atheist =p DEATHBED conversions are common =p hintayin mo munang maghingalo ka, tapos tska mo i-proclaim ang atheism, pag nagawa mo, aba, atheist ka nga =p at pag tumirik na ang katawan mo, game over ka na, ung mga non-atheist, may next adventure pa =p

    ReplyDelete
  7. omg ang landi mo. faint faint pa.

    ReplyDelete
  8. Konsepto lang naman ang Relihiyon. Parang kodigo ni kalantiyaw, parang Philippine Constitution. Hindi naman sukatan yan ng kabutihan o kasamaan kundi parang parte lamang ng lipunan. Nasa umbrella din naman ng relihiyon ang masasama't mabubuting tao regardless kung sinusunod ba nila ang relihiyon ba nila o hinde. Kung Atheist ang isang tao meaning lang nun eh wala siya sa parte ng lipunan na may pinaniniwalaang diyos. yun lang yun (siguro. pa intellectual effect. ahaha)

    ReplyDelete
  9. rhea, mabait si GMA noh... she follows rules and takes into consideration the welfare of the people. oo, mabait siya. pupunta siya sa langit bwahahaha! pero sino ba ako para magjudge diba? hehe

    alex, i agree. mahirap i-grasp yung concept ng death being the end kaya naimbento ang konsepto ng afterlife. playing safe lang. if ever nga may langit siyempre dun mo gugustuhin pumunta. hehe... duwag? haha!

    si mavic susubukan nang magfaint sa harap ng boylet niya! bwahahaha! alam ko namang idol mo ang kalandian methods ko eh... haha :p

    prudi! ^_^ makulit ka rin pala hehehe... alam mo bang lagi kaming nagtatalo ni jed pagdating sa religion? ayoko kasi magsimba... haha.. wala lang.. oo nga, diba? hindi sukatan ng kabutihan ang relihiyon? ang nangyayari kasi minsan, pinipilit alisin yung religion sa society para hindi daw biased.. ang sinasabi ng iba, ito ang nagiging rason kung bakit magiging masama ang mga tao. ewan ko sa kanila... hahaha! eh kasi hindi ako nagsisimba, but that doesn't mean i'm evil... diba?

    ReplyDelete
  10. The most righteous man I know is an atheist.

    ReplyDelete
  11. Ok, sige, maybe not the MOST righteous, but he really is a good man. Ma-prinsipyo ba.

    ReplyDelete
  12. talaga? nice ^_^ pakilala mo siya sakin hehe... ang saya! taga up ba? alam mo ba akala nung isang taxi driver na nakausap ko na halos lahat ng taga up ay atheist. haha

    ReplyDelete
  13. ayus lang naman siguro yun... ako nga huling simba ko nung palm sunday pa... so mga march pa yun. ako inaamin ko na nakakatamad minsan magsimba pero as much as possible kung me makakasama ako eh magsisimba ako. hindi naman sa kailangan kundi dahil marami kang pwedeng matutunan sa mga homilia ng mga pari (well depende din sa pari at sa iyo kung may matututunan ka o wala) parang libreng lesson na rin sa social studies. ^_^

    ReplyDelete
  14. omg! di ako nag faint ha, pero natalisod ako sa harap ni captain something whatever you call your job (note: hindi si latino boy, but some other "pwede" on the cruise, caucasian though, and i dont like americans, but he has these beautiful icy blue eyes. so are you going to ask me out, although i dont think i should go out with you because i dont want to be the flavor of the month [PRIDE], with the series of girls from work you've gone out with, particularly from the roster of hostesses, which just happens to be my job title, now that i'm working on the cruise too. p.s. we live close to each other). at di ko sinasadya yun.

    and another incident i just remembered, nung vodka night sa bahay ko, "nadapa" ako at biglang napayakap kay miguel. this is comedy, i swear. ponyeta mavs. ayan ka nanaman, miguel nanaman e.

    ReplyDelete
  15. haha! mavic. kalandian. kalimutan na nga ang miguel. mas hot ang latinos forever :p
    iwagayway ang bandila ng malalanding procrastinators! bwahahaha! so proud of you! *hugs*

    prudi, di ka nagsisimba?!?! eh diba galing kang catholic school?!? haha! ako rin eh produktong catholic school hehe... *apir* depende nga sa pari at simbahan kung may matututunan sa sermon. minsan swerte, masaya ang sermon. kaya kapag may gana sinusubukan kong magsimba sa ibang simbahan. hehe... di ko gusto pari sa amin eh. hirap intindihin sinasabi niya

    ReplyDelete
  16. i love this line. if only some of our kapitbahays do multiply. i doubt though kasi gurangers na. pero seriously, i'm pissed of with those people na ang sama sama ng ugali pero pafamily rosary crusade pa. ok na akong hindi ako religious, waga lang hypocrite na kunwari religious pero masama ugali...

    ReplyDelete