i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, June 25, 2008

hapdi

hindi ko naman masabing katangahan... siguro atat lang. gusto ko lang talagang lumabas ng kuwarto dahil may inaantay ako. pero sumara yung pinto dahil sa lakas ng hangin. kadalasan pag ganun, medyo mahirap ipihit. sa pagpupumilit kong ito'y buksan, gumasgas yung daliri ko sa nakausling metal. yan tuloy tumuklap ang balat... yan tuloy ang hapdi...

lessons learned:

hindi dahil hindi mo nakikita ang sugat ay wala na ang sugat. kahit gaano mo pa ipilit na wala, meron at meron pa rin.

ang sugat, kahit mababaw, mahapdi pa rin. kahit akala mo wala lang, kukulitin ka hanggang mainis ka. mapapaisip ka na lang na sana di mo na lang pinilit.

hindi mo kasalanan na nagkaroon ka ng sugat. malay mo nga ba kung may nakausling metal dun noh. may mga bagay lang talagang hindi ineexpect na alam mo pero nandun pa rin. mabuti sana kung na-educate ka na may nakausling metal dun para maiwasan mo ang aksidente, pero wala na. tapos na. ngayon alam mo na. at hindi mo na maibabalik ang balat na natuklap mula sa iyong daliri.

wag mo nang awayin yung door knob kasi inusente siya. hindi naman sa inaaway ko yung door knob. gusto ko lang i-acknowledge na inusente siya. sana wag na siya maguilty. hindi ko naman papalitan yung door knob ko dahil lang sa munting insidenteng iyon. mahal ko pa rin ang door knob kahit nangyari ang nangyari.

kailangan ko na atang bumili nung wedge thingie na iniipit sa pintuan para hindi siya sumara. pwede rin isara ko na yung pinto para madali na itong mabuksan. kaya lang naman mahirap bukas dahil nasaslam siya ng hangin. pwede rin isara ko na yung bintana para wala nang hangin... pero malamang di ko gagawin ang lahat ng ito. mag-iingat na lang ako tuwing binubuksan ko ang pintuan. diba?

kailangan ko na rin ata bumili ng band aid. mahapdi pa rin kasi... hay... may nabibili bang balat sa tindahan na pwede kong itapal sa gasgas ko? malaking tulong siguro yun...

3 comments:

  1. paghatak ko ng pintuan ng suv, tumama sa gilid ng kaliwa kong mata. tatanga tanga kasi, di nakatingin. ang sakit! nagkasugat pa. tas nilagyan ng steri strip, buti maliit lang yung ugat, di tinahi. bobo amputa.
    ang sakit talaga, nasugatan ego ko. kakahiya.

    ReplyDelete
  2. matagal nang sugat sugat ego mo. hahaha! joke :p
    minsan kailangan magmukhang tanga para mabigyan ng pagkakataong lumago. naks! adult na si mavic! kaya mo yan!

    ReplyDelete