maligayang pagdating sa'yo, 2008. sana'y maging kumportable ka sa iyong pananatili. sana hindi masyadong kumportable dahil aalis ka rin matapos ang isang taon, pero tama lang dahil matagal rin naman ang isang taon. buti na lang dumating ka na dahil napapagod na si 2007 sa kakaantay na matapos ang kanyang panahon. nag-enjoy naman yata siya... dapat lang. isang taon lang ang buhay niya. sayang naman kung di siya nagenjoy... ^_^
salamat sayo 2007 at nakilala ko muli ang aking soulmate. sana lalung maging matatag ang aming pagsasama dahil kay 2008.
salamat 2007 dahil may napasa naman ako. sana tulungan mo ako, 2008, na ipasa ang mga di ko pinasa. hahaha! sana tulungan mo akong maging masipag.
salamat 2007 dahil pinayagan mo akong magtagal pa sa eskwelahan. 2008, turuan mo akong tanggapin na parte ng buhay ang pagtanda at pag-iwan sa mga kailangang iwanan.
salamat 2007 sa pagtitiyaga. 2008, kakayanin natin to!
No comments:
Post a Comment