madaya... kung kailan pwedeng pwede akong magtype, kasi matino ang keyboard dito, di naman ako makapagsulat. there are so many things that i wish i could write pero tinatamad akong magsulat. mas masarap humiga lang sa kama habang nanonood ng movies sa hbo at star movies. buti na lang medyo sibilisado na dito sa san mateo. buti na lang nagkaroon na kami ng computer nang ako ay grade 2. buti na lang nagkaroon na kami ng telepono nang ako ay tumuntong ng grade 6. buti na lang may internet na kami nung ako ay naghighschool. buti na lang nagkaroon na ng cable soon after. ang saya pala dito! the best of both worlds... parang city ang lifestyle pero probinsya pa rin ang environment... parang baguio lang ang lamig ^_^
sayang. isang linggo na lang ang bakasyon... babalik na ako sa eskwelahan. babalik na ako sa bahay na napapaligiran ng simento. babalik na sa laboratoryong amoy sunog na goma. babalik na sa buhay na hindi maiiwasang mag-isip. isang buhay na napakabilis na buhay parang ang internet lang namin na broadband at napakabilis. mas masaya ako dito sa san mateo. kahit mabagal ang internet, kahit nakakainip, kahit hindi efficient, wala naman talagang paggagamitan ang efficiency dahil walang deadline. ang oras lang na pinapansin ay ang oras ng pagkain at ang oras ng aming paboritong mga palabas sa tv. mabagal pero mabilis. kunwari balanse. katamaran lang talaga... tinatamad lang pumasok kaya kunwari minamahal ang tahanan... pero ang totoo, mahal naman talaga haha! ayoko pang pumasok... hay...
grade 2 ka noong magkaroon kayo ng computer?!?!?! ako 3rd year high school na.
ReplyDeleteyah... earlier pa nga ata... basta green pa ung screen nung monitor namin hahaha! horizontal yung cpu :D
ReplyDeletewahahahahahaha!