dahil ang utak natin ay aktibo tuwing tayo ay maraming iniisip... umaapaw ito sa panaginip... so ayun, dahil sunodsunod ang aking mga pinagkakaabalahan, samahan mo pa ng isang batang mahilig manermon, ang aking utak ay nabaliw. kanina, bago ako gumising, nanaginip ako na buntis daw ako... shet! grabe ang labo...
buntis daw kasi ako. paano nalaman? wala lang, basta buntis daw ako. hinawakan ko ang tiyan ko pero wala namang bago. eh paano nangyari yun kung virgin pa ako? immaculate conception! hindi daw, baka habang natutulog daw ako. baka binigyan ako ng gamot or something tapos ayun, nabuntis ako. huwaaat? maeexperience ko na nga lang tapos tulog pako?!?! waaa!!!
ok, so exage... kasi parang kebs lang lahat ng tao. basta buntis ako, un lang. so my parents gave me my own room. may tatlong aircon pa para siguradong malamig. tapos three walls of the room ay glass ata. ewan... kita kasi yung labas kung itataas yung blinds. nakikita ko rin kasi yung sunset. taray! ^_^
later, biglang nasa playground na kami at malapit nakong magslide. pinag-uusapan pa rin kung sino yung mystery guy na nakabuntis sa akin. labo, di nga kasi namin alam. and apparently, may asawa daw ako. ewan ko ba kung sino. arranged marriage ata na hindi ko alam. basta may asawa daw ako. ang labo talaga ng mga panaginip ko.
so buntis ako, at may asawa pa, pero virgin pako. waw ang saya ^_^
No comments:
Post a Comment