i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Friday, March 30, 2007

lyrics

dedma
by rocksteddy


Mkita pero di mo lang alam

Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan

Ayaw mo naman itanong sakin kasi baka nga naman hindi naman ikaw

At hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw


Mahal kita pero hindi nga lang halata

Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa

Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala


Pero hindi ako torpe

Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan

Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam

Hindi mo ko titignan di rin kita titgnan

Lagi mo lang akong pakikiramdaman lagi rin kitang pakikiramdaman

At araw araw tayong magdededmahan

Hanggang sa tayo ay magkabistuhan


Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko

Nais kong magkaalaman na

Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan

Kasi alam kong doon din naman ang tuloy nyan

At dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan

"Oo"  :-o

o

"hindi" :-(


Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na

At hindi na magka–tsismisan pa

Sasabihin ko na para wala nang problema

At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Thursday, March 29, 2007

torpe

by hungry young poets

huwag na lang kaya hari ng katorpehan

huwag hwag na lang kaya

di ka ba nagsasawa sa liwanag ng buwan?



namamatay na ang mga rosas sa tabi

di ka pa rin bumibili

nauubos na ang oras sa kahihintay

pero ni sulat, ni tawag, WALA!



ba't mo pa kailangan ng tulay?

kahit ulap nagsasabi tayo'y bagay

ba't mo pa kailangang magtanong?

kung alam mo na, alam mo na
...

---

hay...

Wednesday, March 28, 2007

ligaw

naliligaw ako... i'm lost... i don't know my place in this world. feeling ko naduduwal na ang chem sa akin pero hindi niya ako tuluyang mailabas mula sa kaniyang sistema dahil mahigpit ang pagkakakapit ko (at ewan ko ba kung bakit nakakapit pa rin ako kung ayaw ko naman sa hinahawakan ko). no choice lang talaga for both parties. dito naman kasi talaga ako sa chem nakapasok kaya itutuloy ko na lang, at dahil graduating nako next year, hindi nako pwedeng patalsikin ng chem. ganun daw yun eh. por dat, i know exactly where i am, and yet i still feel sooo lost.

actually introduction lang yan... ^_^ bahala na kung anong magiging buhay ko next year, basta sigurado akong susubukan ko nang maging matino. whee!!! promise, i will try. hahaha! try lang... pero serioso, susubukan ko talaga... hahaha! anubayan, di talaga ako marunong mag-commit.

here's the plan (and i have you as my witness) i will have an organizer, and everyday i will have a list of things i need to do. if for any reason i am not able to do my tasks, the next day, kakalahatiin ko ang baon kong pera. itatabi ko yun at hindi ko pwede galawin for the whole sem. i will keep it in sight para daw self control (grabe nakakainis kailangan ko talagang ipakita sa sarili ko ang itatabi kong pera) ganun. it's supposed to teach me how to be responsible and how to have self control. ganun. yey! sana talaga maging matino nako next sem ^_^ yey!

~

bakit ka naka polo ngayon?
liligawan na kasi kita. sagutin mo nako.
ha?
liligawan na kita. sagutin mo nako.
ha? eh... pag-iisipan ko muna... hahahaha!
joke lang, wala na kasi akong damit. pinapalaban pa. kaw naman, parang hindi mo alam ang ganung style.

err... bakit tumalon tiyan ko? joke lang yun... get over it... gah... diba nga, when you don't have anything to wear, wear pambahay. if you have no more clothes, wear formal. yes. life's like that. get over it mhen...


Sunday, March 25, 2007

txm8

anong gagawin mo kung may guy na magsend sayo ng apat na sunodsunod na love quotes? di ka ba maweweirduhan? tapos ang susunod na itetext sayo ay, "silence means yes.."
wat? so kailangan ko pala magreply diba? nagreply naman ako. tinanong ko ko ano ba ang tanong. tapos sampung love quotes pa ang sinend niya sakin. may masaya may malungkot. lahat yata ng meron siya sinend niya sakin. nung naubusan na siya, tinanong ko sa kaniya kung may ibigsabihin ang mga sinesend niya sakin. tinanong ko kung kailan ba may ibig sabihin at kailan ba quote lang? ayoko lang magmukha siyang tanga habang inaasume ko (oo na masama magassume) na wala lang yun at wala siyang magawa.. ang reply ba naman sakin...

Wag ka nang magalala
Hinding, hindi ako inlab sayo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo
Miss, miss, pakitigil lang please
Ang iyong pagpapantasya
Hindi ka na nakakatuwa
Ipapagulpi na kita sa gwardyang may batuta

pakshet!!! kailan pa nga pala naging malinaw ang mga lalaki noh?

nalulungkot ako... waaa!!! nakakaiyak! of all songs?!?! grabe!!! why me??? bakit pa ako ang napagtripan mong itxt??? sana magkasabubong tayo ulit sa katag. di nako magdadalawang isip na batukan ka. wala kang kwenta!!!

Saturday, March 24, 2007

dream

dapat hindi nako natutulog ulit pag nagising nako sa umaga kasi yun ang panahon na nananaginip ako. mababaw lang kasi ang tulog ko pag ganun kaya mas conscious pa ako sa nagaganap sa loob ng utak ko.

lemme introduce the characters... si little boy, aka bata at si kunsensya na close friend ko. there are other people present... basta hindi intimate ang setting.

blurry details, as usual. basta magkasama kami ni kunsensya tapos dumating yung bata. epal lang si bata nung simula, trying to make sabat at the usapan of the matatanda, then later sila na ni kunsensya ang nagkukwentuhan. about techy stuff (which made me confused kasi hindi naman into techy stuff yung mga lalaking ito) tapos silang dalawa na lang ang nag-uusap (err... ewan ko kung bakit di ako makasabat when they're in my territory...) naalala kong di pa nga pala sila magkakilala!

moi: ay! magkakilala na ba kayo?
*both makes iling their heads meaning /dude, first time namin magkita. ok ka lang?/ ganun*
moi to bata: hehe... ito nga pala si...
*forgets what she's saying then turns to the other guy*
moi to kunsensya: ito si...
*gawd! nakalimutan ko pangalan nila! ei, it's just a dream*
moi to bata: uhm... siya si *says bata's name, pointing to other guy*

then i realized, i just introduced bata to himself. nalito nako! grabe... nakalimutan ko si kunsensya. he totally lost his identity in my dream... parang yung bata na lang ang kasama ko. nakalimutan ko nang nandun nga pala kanina si kunsensya at nawala na siya. waw! buti na lang hindi nagkakatotoo ang mga panaginip ko kundi magkakroon ng problema ang national statistics office atang mga nagsusurvey ng population density sa pilipinas... harhar...

Thursday, March 22, 2007

babae

i feel like a male homosexual trapped in a female's body... maybe it's due to an excess amount of fetal testosterone that has affected my sexual orientation.... enough to influence my actions and judgement but not enough to influence my sexual preference... pwede naman yun diba?

basta, ayoko nang maging babae... pero nagugwapuhan pa rin ako sa lalaki... por dat gusto kong maging bading...

misery... introvert kasi ako kaya nahihirapan ako pagdating sa pag-socialize --_--'

Tuesday, March 20, 2007

frustrations


kanina naconfirm ko lang na may stalker ako! ang cute niya ha... matangkad na lalaki na napakalinis tingnan. kakaiba talaga kasi nung nasense niyang bababa nako ng jeep, bumaba rin siya. sabay kaming tumawid at naglakad sa kalye papunta sa amin. kaya lang nung kumanan ako, dumiretso siya. sus! nahiya pa siya... hahahaha!

wala lang... ksp mode... still depressed... dalawang exam ko kanina eh... mukhang wala akong ipapasa. at mas nakakalungkot kasi hindi nako nakakatikim ng scores na mas mataas a 60% hay... buti 55% ang passing... waaa! ayoko nang bumagsak!

un lang ^_^ bow

Monday, March 19, 2007

topak

buti na lang at matatapos na ang sem. ok lang na ipaayos ang aking baby lappy. nakakalungkot lang na 4 years old pa lang siya at ang dami na niyang katopakan sa buhay. siyempre, mana sa nanay niyan may topak rin. sus. kung kailan 4th year na tsaka desididong magshift out. hay. pero hindi ko naman talaga magagawa yun. sayang lang talaga kaya tatapusin ko na rin ang kursong ito. siyempre napipilitan lang.

if i haven't discovered my passion, i would still be in love with chem... so is it a good thing or a bad thing? alam ko nga kung ano ang gusto kong gawin pero wala naman akong degree.. my future's still not secure. kasalanan ko bang multitalented ako? bwahahaha! jack of all trades, master of none... that's me...

sabi mo: hindi mo ba talaga kaya bitawan ang kontra?
sabi ko: sinubukan ko last year, pero hindi ko pala kaya. sila ang aking support system. mamamatay ako kung mawala sila...

naisip ko lang... kung dahil lang sa acads, kaya kong bitawan ang kontra. kung sigurado lang sana akong ikaw magiging supporta ko at kung sigurado akong di ako magiging pabigat sayo...


Sunday, March 18, 2007

chem pips


side line ko na ang pag-advertise ng c2

schizofairnia + sunken garden moments habang gumagawa ng prelab at kumakain ng lunch...
manix abrera is <3
si ayie nagdesign ng schizo poster! yey!

kung ayaw mo na sa akin


di na kita pipilitin

kung buo na ang loob mo,

bahala k ana sa buhay mo

di ako desperado

sa walang kapantay na pag-ibig mo.

Sa mga halik mong walang kasing tamis

tubig ako at ikaw ang langis

Kung hindi ka na babalik

Araw araw na akong gigimik

Kung malayo ka na ay malaya na ako

Ngunit ang kahapon ko ay bihag pa rin

ng alaala mo (nakanang!)


Kung ayaw mo na sa akin

di na kita hahabulin

medyo bata pa naman ako

may mabibighani pa sakin siguro

kung ayaw mo na ako

leche lalong ayoko sayo

Alam mo naman kung san ang bahay ko

baka sakaling magbago

ang isip mo please



~

bakit ba ako kinikilabutan tuwing naririnig ko ang kantang yan? naiiyak ako tuwing nakikita ko yung video niya. ewan ko ba kung bakit. mababaw nga ang luha ko pero lagi naman may rason tuwing lumuluha ako...

there's something about the comedy in the video. funny at the same time, it hits that spot. ewan ko ba kung anong spot yang sinasabi ko. basta tumindig ang balahibo ko nung unang scene pa lang. maybe i was anticipating the sad ending. their past used to be so great. in the end, not everything you wish for will come true. i hate fairytales. they make you believe that there's always a happy ending in every story when in reality, happy endings don't have to be happy for both ends of the line.

ampalaya with caramel syrup...

malapit nako magkaroon!!! wahahahaha!!! kaya pala ang weird ko lately... at eto nga, naliligo nanaman ako sa luha ko ^_^ hehehe

pms

ahihihi

Thursday, March 15, 2007

tuliro


spongecola


Labis, ako’y nahuhumaling

Sabik sa bawat sandaling

Ika’y makapiling


Giliw, hayaang lumapit

Wag mo sanang ipagkait

Mamalas ang langit


Anong nadarama

Tuwing makikita kang dumarating

Tuliro, di malaman ang gagawin

At walang sinumang makapipigil sa akin

At wala ng ibang

Makapagbabago ng aking isip

Sa’yo


Wari di ko na malimot

Mga galaw at kilos mo

Sa aking pagtulog


At sa panaginip

Ika’y mamalagi

At di na muli malulumbay

Sa aking paggising

Anong nadarama

Gayong sa isip ko’y

Hindi ka maalis

Tuliro, di malaman ang gagawin

At walang sinumang makapipigil sa akin

At wala ng ibang makapagbabago ng aking isip

Sa’yo


Anong nadarama

Ngayon at nandirito ka sa aking tabi

Tuliro, di malaman ang gagawin

At walang sinumang makapipigil sa akin

At wala ng ibang makapagbabago ng aking isip

Sa’yo

Tuliro...

~

hay... wala lang...




Monday, March 12, 2007

eyebaaaaagz


tonight, i will sleep!!! ^_^ kasi starting saturday, sunodsunod na ang mga exam... ito na talaga ang makapagsasabi kung may patutunguhan pa ako sa buhay o mananatili pa rin ako sa aking kinalalagyan...

ang hirap ng buhay ng mapride. ayaw ko ang ginagawa ko, hindi ko gusto ang patutunguhan ko, pero kailangan kong pagdaanan to para masimulan ko nang gawin ang nais kong gawin... tae... paano kung hindi ko rin magustuhan ang susunod kong gagawin? mauulit nanaman bang inuulit ko lagi ang ginagawa ko? paulit-ulit! anubayan...

note to self, magbagong buhay ka na!!! --_--'

~

i was looking at myself in the mirror today. my eyebags have subsided... pero nung hinawakan ko, lumabas ulit!!! waaa!!! hay... so hindi ko na hahawakan ang mata ko kung mukhang nawala na ang eyebags.

ang mga chem majors may permanent eyebags dahil kapag mawawala na siya, may formal report nanaman na due. hindi na mauubos ang gagawin. ang labo talaga na nagagawa ko pang mag-kontra with this type of academic load... ang 17 units namin parang 21 units lang naman ng ibang course... hay... bakit kailangang anim na oras kada linggo ang 2 units ng lab??? hindi ba nila alam na mahirap gumawa ng formal report?!?!

tae... bitter lang kasi... hindi ko natapos yung formal report ko kanina... so yun, pinasa ko kht hindi sobrang ganda at hindi kumpleto. bahala na... shux... ayoko nang ulitin to!!! ayoko nang bumagsak... gosh... nadedepress nanaman ako... hay... kaya naaawa ako sa bestfriend ko noon eh... nakakahiya... kapag magsimula nakong magreklamo tungkol sa aking hindi naman masyadong mahirap na buhay, tuloy tuloy na. i just have the tendency to exagerate things a bit... un lng...

i'm still sad... siguro dahil gagraduate na ang mga batchmate ko... at ako, hindi man lang nakapagsimula sa thesis niya --_--'

toink



Sunday, March 11, 2007

gatas

Rating:★★★★
Category:Other
strawberry gelatine (alsa gulaman)
sliced, topped with condensed milk, drowned in full cream milk

refrigerator cake (graham crackers and cream and condensed milk)
served as is, or with strawberry gelatine on the side

banana ispleet
sliced bananas, topped with cream and condensed milk

naubos ko ang lahat ng yan sa isang araw. waw.

i therefore conclude, kung magkaroon ako ng sarili kong restaurant, lahat ng dessert ay may cream at condensed milk ^_^

gah.. i'd die of lactose intolerance if it was deadly..
waa..

anino




by imago... wala lang... just looking back... dami rin akong memories na naa-associate sa kantang to ^_^
nakakatuwa si aia dito... sabi ko nga sa mga tao, video to ni aia hahaha!

di ko na sila masyadong pinapakinggan. siguro dahil nagbago na ang tunog nila at hindi na yun ang "catchy" para sakin. and i've also changed. nagbabago rin ang taste ko sa music somehow. it doesn't give me the same feeling di tulad ng noon na tuwing naririnig ko sila tumatalon ang puso ko. i guess hindi na sila ang nasa top ng list ko... pero of course, imago will always be special to me...

it's not something to be sad about. wala lang. it just shows how dynamic i am and how much i can change in a short span of time. at least i'm not stagnant. that's something i'll never be.

Thursday, March 08, 2007

waterfalls




sa buruwisan ^_^

buruwisan


ako yun!

birthday ni ara and others daw... salamat ardie sa pictures ^_^
kahit madaming fr na due, tuloy pa rin ang lakad. gagraduate na sila!!! yihee!

[buruwisan, siniloan, laguna]

panapanaginip

dahil ang utak natin ay aktibo tuwing tayo ay maraming iniisip... umaapaw ito sa panaginip... so ayun, dahil sunodsunod ang aking mga pinagkakaabalahan, samahan mo pa ng isang batang mahilig manermon, ang aking utak ay nabaliw. kanina, bago ako gumising, nanaginip ako na buntis daw ako... shet! grabe ang labo...

buntis daw kasi ako. paano nalaman? wala lang, basta buntis daw ako. hinawakan ko ang tiyan ko pero wala namang bago. eh paano nangyari yun kung virgin pa ako? immaculate conception! hindi daw, baka habang natutulog daw ako. baka binigyan ako ng gamot or something tapos ayun, nabuntis ako. huwaaat? maeexperience ko na nga lang tapos tulog pako?!?! waaa!!!

ok, so exage... kasi parang kebs lang lahat ng tao. basta buntis ako, un lang. so my parents gave me my own room. may tatlong aircon pa para siguradong malamig. tapos three walls of the room ay glass ata. ewan... kita kasi yung labas kung itataas yung blinds. nakikita ko rin kasi yung sunset. taray! ^_^

later, biglang nasa playground na kami at malapit nakong magslide. pinag-uusapan pa rin kung sino yung mystery guy na nakabuntis sa akin. labo, di nga kasi namin alam. and apparently, may asawa daw ako. ewan ko ba kung sino. arranged marriage ata na hindi ko alam. basta may asawa daw ako. ang labo talaga ng mga panaginip ko.

so buntis ako, at may asawa pa, pero virgin pako. waw ang saya ^_^


Tuesday, March 06, 2007

bata

so wala ka lang palang load kaya di ka nagtetext... ok... fine! alas-otso na! matulog ka na!

hay... bata...

~

ewan ko sayo, laya... di mo naman siya gusto bakit nag-aabang ka pa rin ng txt niya? wahahaha! kasi gusto mong iwasan ang mga bagay na talagang makakaapekto sa buhay mo tulad na lang ng undergrad seminar mo bukas... sheeeet... wahahaha!!! ayoko naaaa!!! buti pa ang mga bata, ang problema lang ay yung exam niya sa math53 at ang amoy ng formalin na stuck sa ilong niya kasi may naka-lips-to-lips siyang palaka kanina... wahahaha!

nakakabaliw...


Monday, March 05, 2007