i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Sunday, June 29, 2008

tuna pasta eklavu

Description:
nakakainip kasi sa bahay. sarap tuloy magluto

Ingredients:
sauce:
butter
flour
milk
cream cheese
tuna

pasta:
angel hair pasta
salted water

Directions:
heat pan
melt butter
add flour
add milk
mix
at this point mukha na siyang hot cake kaya siguraduhing mababa ang apoy
add cream cheese
ang pangit kasi parang napakasticky...
so ayun dinagdagan ko ng gatas para medyo malabnaw
add tuna

prepare pasta
yey
at dahil ito lang ang available, angel hair na ginamit ko
bring pot of water to a boil
add salt
add uncooked pasta
tada!

bawal ang atat kapag nagluluto ng pasta kasi nakakain nako ng hilaw na pasta. hindi maganda ang pakiramdam

hindi ako nagmeasure ng ingredients. tanga! hahahaha! katamad kasi. ayun, kulang sa cheese. konti na lang kasi yung cream cheese. pero masarap yung sauce. kulang rin kasi sa salt yung tubig ng pasta so walang lasa yung pasta. hay... next time mas masarap na ^_^

CPU ID

http://www.cpuid.com/cpuz.php
minsan marunong rin akong maging concerned sa laptop ko. at dahil di ko siya kilala, nakahanap ako ng programang magsasabi sa akin kung sino nga ba siya. ang galing ^_^

migrane

di ko gets kung paanong magiging mas nakakabubuti sa nakararami ang nagawang desisyon. halata naman na mas nakararami ang mga taong hindi sang-ayon sa kasalukuyang nangyayari. mas importante lang ba talaga ang isang taong hindi marunong humingi ng tawad kesa sa higit 40 na estudyante at isang propesor na matagal nang naninilbihan sa pamantasan?

ang dali lang naman mag-sorry... hindi niya magawa... pinapahirapa niya pa sarili niya... pati ibang tao dinadamay niya...

why is it so hard for some people to say sorry?

nalilito talaga ako...

~

-moonstar88-

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sa’yo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo? asan ba ‘ko sa ‘yo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo? aasa ba ‘ko sa ‘yo?

Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot
Ay di rin isang tanong

Dahil, ‘di na makatulog
Dahil ‘di na makakain
Dahil ‘di na makatawa
Dahil, di na

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako

Nahihilo
Nalilito

Friday, June 27, 2008

multitester

tinatamad akong magtrabaho. pero gusto ko ng pera. kasi kailangan ko ng multitester... highschool pa lang siguro gusto ko na ng multitester kasi nakakaaliw siya. ang cute lang ng itsura pag gumagalaw yung needle. ang saya kapag mataas ang reading. nakakaaliw lalu kapag nagiging negative yung potential. hahaha! minsan pa ilalagay ko yung probes sa gilid ng ulo ko para makita kung may potential ang aking utak. usually zero. minsan 0.1mV. yes naman. i have potential. dapat tuwing may job interview ako magdadala ako ng multitester para ipapakita ko na may potential ako na possibly higher than the other applicants...

ang labo naman kasi. ito tinanong sa akin ng pwede mo na ring masabing gwapong HR person: "why chem?"
ang sabi ko, "nagising na lang ako isang araw at nasabi ko sa sarili ko na magiging chemist ako."
sabi ng HR guy: "interesting story" with no facial expression. nagulat akong kaya niyang hindi tumawa.
next question: "if not chem, then what?"
sabi ko, after much thought. kunwari matagal mag-isip para kunwari chem talaga ang mahal ko:"uhmm... fashion?"
sabi niya: "wow, those two are really related. why not chem eng?"
gusto kong sabihin na "ano bang paki mo? ayoko ng engg. takot ako sa ES. tsaka ang layo ni melchor sa tambayan. baka madeprive ako ng sleep." pero ang sinabi ko na lang: "ayoko ng engg. feeling ko large scale masyado ang ginagawa nila. mas interesting kapag maliliit at mas mabilis ang results"

haha! dapat kasi pinaghahandaan ang job interviews noh... but no, puyat ako nun at 9am ang coltym. di naman ako nalate pero bangag. muntik ko na ngang i-unbutton yung blouse ko eh kaya lang open yung cubicle. kita kami nung isa pang HR guy na may iniinterview na mukhang promdi na guy na mukhang hiniram lang niya sa tito niya yung polo. nakakatamad magstrip kapag malaki ang audience.

if i remember it right... ito yung questions na binigay sa akin... para lang makapagpractice ako. haha

what is your advantage over the other applicants who have more work experience...
why chem
if not, what
why
what makes you angry
what if your boss does just that
what if you were asked to work overtime during weekends
do you have any questions
ayun lang yata. hindi siya ngumingiti eh. haha! nakakatakot :p he sounds so sarcastic. ang pag-asa ko lang actually ay yung IQ test kung saan mataas ako sa abstract reasoning. pero requirement ata nila na mataas ang language eklavu eh... kaya lang high average lang ako dun... tsk... i should learn how to read. tama na kasi ang porn movies. magbasa na lang ako ng erotika :p

gusto ko ng trabaho para magkaroon ako ng multitester!!! hahahaha!