i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Sunday, June 01, 2008

fake is the new real

http://www.fakeisthenewreal.org/
cute site. my favorite is the symbolic alphabet and the nuclear capable nations. wala lang... ^_^ natuwa ako eh... bakit ba... hahaha

sarbey

ninakaw ko mula kay ej. haha! tamad kasi... mamaya nako magtatrabaho...

1. Huling beses mo nakasama mo mga kaibigan mo?
-kahapon sa moa

2. Ano mas gusto mo, magaral o magtrabaho?
-magtrabaho. mas nakikita mo yung progress kasi may sweldo. di kasi masukat yung pumapasok sa isip ko haha

3. Isang kaibigan mo na miss mo na? (isa lang)
-si jed na lang hehe

4. Kung maninilip ka ng kahit sino habang naliligo, sino piliin mo?
-hmm... ayokong manilip habang naliligo. ewwness hahaha! mas natutuwa ako kapag wiling silang ipakita ang kanilang abs. siyempre si mark abaya yun hahaha!

5. Mahal mo sya, pero may mahal sya iba, ano gagawin mo?
-panoorin mo na lang yung video ng evidence ng urbandub ^_^

6. The best school ang _________?
-the only school ang UP hehe

7. Sino huli mo naka H2H (heart to heart).
-nyak... sino nga ba... ano ba ibig sabihin nun? si rhea or mavic siguro

8. Sa isang relationship, ikaw ba ung inaalagaan o ikaw ung nagaalaga?
-inaalagaan -_-' it wasn't my choice. napilitan lang haha

9. Pili ka, ikaw may pinaka maganda/gwapong muka sa mundo, pero ulo ka lang o ikaw may pinaka magandang katawan sa buong mundo, pero UBOD ng pangit muka mo.
-ang superficial naman... mukha na lang :p

10. Hindi ako pwde umalis ng bahay na walang________?
-suot na panty bwahahahaha!

11. Killer smile o tantalizing eyes?
-i have both :p

12. Bagay na nakita mo sa mall na gusto mo bilin?
-laptop... *drool*

13. Gusto ko mas maging kaclose si _______?
-gloria macapagal arroyo. para makakahingi rin ako ng favors hahahaha! taeng pulitika talaga to o... tsk...

14. Lasing na close friend mo pero friend lang siya sayo, tapos inamin niya sayo na may gusto siya sayo, ano gagawin mo?
-susumbong ko kay jed :p

15. Ayoko pang ________?
-maligo... tinatamad pako... bukas na hahaha!

16. Magulo ba isip mo ngayon? bakit naman?
-wala ngang laman isip ko eh. haha

17. Gusto ko ulet halikan si_______?
-yuck laway :p bwahahaha!

18. Ano ung dahilan bat mo nagustuhan ung taong huli mo nagustuhan?
-ewan ko. irrational talaga ang tao sa totoo lang :p

19. May lakad parehas barkada mo chaka sobra crush mo, niyaya ka parehas, san ka sasama?
-sa crush opcors! bwahahahaha! kalandian

20. Sino ang nagkumpleto sa summer mo?
-di pa kumpleto summer ko XD

21. Sino sa tingin mo masaya maging roommate?
-hmm... basta yung nagdadala lagi ng pagkain yey

22. Pili ka, lag2 kita sa tanke puno ng sharks o pasok kita sa kwarto na puro ipis? (gutom na ang mga pating at lumilipad lahat ng mga ipis)
-waaaa... pakamatay na lang ako >_< sharks na lang

23. Kanino ka huling nagsinungaling at ano sinabi mo?
-di ko maalala eh.. hmm..

24. Nagmahal ka na ba at pinagsisihan mo?
-tsk... oo... ang hirap eh... haha! joke lang :p no regrets. seriously

25. Magkano ginastos mo kahapon?
-hay T_T bakit kailangang maging mahal ang drinks... naubos pera ko... P30 na lang laman ng wallet ko. 450 pa laman nito nung isang araw hahaha

26. Best burger?
-di ako mahilig sa burger eh... wendy's na lang. yung bacon mushroom melt. sheeet mheeeennnnn sarap sarap

27. Pano pag ayaw gawin ng GF/BF mo gusto mo, ano gagawin mo?
-tututukan ko ng baril haha! joke. kung ayaw edi wag... break na! hahaha!

28. Magbnggit ka ng isang gamit ng X mo na nsyo pa din..
-yung shirt ko dati na binigay ko sa kaniya na pinahiram niya sa akin. technically, kahit akin yung shirt, kaniya na yun kasi binigay ko na sa kaniya. may essence na niya eh. ayoko na gamitin ulit haha!

29. Barat k ba?
-subra

30. Naglalakad ka lang, tpos ung tao nasa harap mo, nahimatay.. nalaman mo, ung sobra crush mo pala un! ano gagawin mo sakanya?
-tititigan :p para maconscious hahaha! ang korny at ang luma na ng joke na yun ah...

31. Tama ba mga pinipili mo mahalin?
-nagkamali nga ata ako eh -_-' haha! pero imposibleng makahanap pa ako ng iba. so i better stick to this one... haha! mwah!

32. Malandi ka ba?
-hindi ah... di ako malandi! hindeeeee!!! HINDI AKO MALANDI!!! XD

33. Bibigyan kita ng micro tracking device..
-lulunonin ko

34. San mo mas gusto malunod, sa dagat o sa pool?
-pool na lang. ayokong makalunon ng ebs :p

35. Matiisin ka ba pag nasa isang relationship?
-hmm... tanung niyo na lang after one year. dun ko pa malalaman ^_^

36. Saan pinaka masaya tumambay?
-sa kuwarto ko

pagod

ayaw mag-upload ng pictures >_< my ram is giving up on me... baka may problema na sa hard disk ko... for some reason, everytime i try to upload pictures on multiply, my pc shuts off and dies on me, then suddenly revives again with matching scan disc. amayzeng. so... dito ko na lang ilalagay ang kuwento hehehe...

-pagkagising ko, natulog ako ulit at nanaginip na malelate ako ng dating. psychic ata ako kasi nagkatotoo hahaha! nalate nga ako.

-dalawa pala ang mcdo sa taft! may isa sa ibaba ng LRT, may isa sa ibaba ng MRT. toink. ayun, ngayon alam ko na yung feeling na nasa twilight zone at kumakausap sa isang taong nasa ibang dimensyon.

-ang laki pala ng muwa (mul op asia)

-ang daming hot girls na nagcocosplay. dapat nagboots din ako.. tsk...

-konti lang ang nakita kong hot guys... puro gay eh. oh well...
-pinalabas kami ng guard dahil bawal daw kumain sa loob ng SMX. bawal rin umupo sa sahig.

-siyempre nanalo ng 2nd place sa manga making contest sila prudi ^_^ congrats!

-di na nagsawa sa pagdrawing, sumali pa sa Quick Draw haha! di na namin naabutan kung sinong nanalo

-ito ang gawa ni jed na di pa tapos. hindi kasi nila pinakita sa akin yung finished product. hmph... di ko tuloy nakunan. tsk...

-ito ang gawa ni prudi. daming fans yan. ahihihihihi
-ito si prudi. ang kabarkada ni jed. yup, mit-da-barkada-day today. hehehe... first time ko rin siya makita :p
-ito si jed. hahaha! may free use kasi ng wacom dun bilang sponsor. nakakatuwa sila jed at prudi mag drawing ^_^

-ito si manix. nakita lang namin dun hahaha! dapat sumali siya sa cosplay contest. pupunta siya bilang yung character sa comix na kiko machine. kasi kamukha niya eh! hahaha!

sana maupload ko na yung ibang pictures... ^_^
napagod ako... hahaha!

urbandub on mangaholics




first of summer ^_^

\m/

ang ganda pala ni lalay lim sa personal haha! ang cute talaga ni gabby!