i've transferred! find my blog at Malaya Designs ^_^

Wednesday, April 04, 2012

lugay

kapag maging presidente ako, o mayor, gagawa ako ng batas na magbabawal sa mga taong maglugay kung sila ay may mahabang buhok. lalu na kung nakasakay ka sa jeep, malakas ang hangin at nasa likod mo ako, kung ayaw mong putulin ko ang buhok mong bagong relax, itatali mo ito.

mahirap bang intindihin na may air resistance ang buhok kaya linilipad ito tuwing nahahanginan? at mahirap bang isipin na kahit manipis sila, kapag humataw ito sa balat, masakit talaga. 'te masakit po. para akong linalatigo ng iyong matigas na buhok. sa bawat hampas gusto kong sumigaw. gusto ko nang maglabas ng blade para aahitin ko na ang buhok mo. malas ko kasi maikli ang buhok ko. hindi ako makakaganti. hindi ko mapaparamdam sayo ang hapding nararamdaman ko sa tuwing iihip ang hangin. sana pala binigay ko sayo yung panali kong nakatago lang. mas magagamit mo pa yun kesa sakin.

i really hope people would learn to be more considerate. buti na lang hindi ako nasugatan ng matalim na buhok ni ate. buti na lang, kasi kung hindi, baka talaga naglabas na ako ng gunting at biglang maging parlorista ako ng di oras. haaaaaaayyyyyyy

Baby Owl

April 4, 2012
I learned this from a tutorial. Get it here --> http://www.cutoutandkeep.net/projects/cutesimple-owl